4 'mega swabbing center' itatayo sa Metro Manila, Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 'mega swabbing center' itatayo sa Metro Manila, Bulacan

4 'mega swabbing center' itatayo sa Metro Manila, Bulacan

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 30, 2020 08:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Magtatayo ang gobyerno ng 4 na mega swabbing center sa Metro Manila at Bulacan para mapabilis ang pag-test ng mga taong pinaghihinalaang may coronavirus disease (COVID-19), lalo iyong mga umuuwing overseas Filipino worker.

Itatayo umano ang swabbing centers sa Philippine Arena Complex sa Bulacan (north), Mall of Asia Arena sa Pasay City (south), Enderun Tent McKinley Hill sa Taguig City (east), at Palacio Tent sa Roxas Boulevard (West).

Inaasahang magsisimula ang operasyon ng mga pasilidad sa susunod na linggo, sabi ngayong Huwebes ni National COVID-19 Task Force chief implementer Carlito Galvez.

"Ang priority natin ay suspected carriers, PUIs (persons under investigation), PUMs (persons under monitoring), family of affected COVID patients and vulnerable sectors," ani Galvez.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Galvez, prayoridad din na ma-swab ang mga OFW na umuwi sa gitna ng COVID-19 pandemic na nararanasan ng buong mundo.

Ayon kay Galvez, naghahanda na ang gobyerno sa pag-uwi ng higit 100,000 OFWs. Sa ngayon, may higit 20,000 manggagawang Pinoy na ang na-repatriate, base sa datos ng Department of Foreign Affairs.

Ayon naman kay Bases Conversion and Development Authority chief executive officer Vince Dizon, ang mga sample na makokolekta sa swabbing center ay ipadadala sa mga laboratoryo sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

"Bayanihan 'to ulit para ma-test natin ang napakaraming Pilipino, lalo na 'yong overseas Filipino workers," ani Dizon.

Ayon kay Dizon, dadalhin sa swabbing center ang mga magpapa-test gamit ang mga bus, sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation.

"Maglalagay tayo ng mga testing booth, at pupunuin natin 'yun ng ating mga medical practitioners para sila ang magsa-swab sa ating mga kababayan," paliwanag niya.

Ayon naman kay Galvez, magtatayo rin ng mga parehong pasilidad sa Visayas at Mindano.

PHILIPPINE ARENA

Samantala, nai-turn over na sa gobyerno ang operasyon ng Philippine Arena Complex sa Bulacan, na ginawang quarantine facility.

Ilalagay sa naturang arena ang mga pasyente ng COVID-19 na asymptomatic o hindi nagpapakita ng sintomas o iyong may mild symptoms o hindi gaanong malala ang sintomas.

May aircon ang pasilidad, at may board divider at kurtina rin ang kada cubicle.

Mayroon ding testing booths, nurse stations, at hiwalay na pasukan para sa pasyente at health workers ang pasilidad.

"Ngayon, pasado na ito sa guidelines ng DOH (Department of Health) kaya ready to go na. Kailangan na lang pumasok ang mag-operate at magme-maintain," ani Dizon.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.