MANILA - Kumpleto na ang modification ng 3 tent sa Philippine Arena complex sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan para maging pansamantalang mega quarantine site para sa mga pasyenteng may COVID-19, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Inialok anila ng Iglesia ni Cristo na gawing quarantine facility ang pasilidad, kung saan may 92 bed cubicles ang tent 1 at tig-104 bed cubicles ang 2 pang tent. Sa kabuuan, nasa 300 ang kamang puwedeng magamit ng mga pasyente.
Makikita ang ilang kama para sa COVID-19 patients sa Philippine Arena sa Bulacan, hilaga ng Metro Manila. Photos by Jonathan Cellona, ASB-CBN News

Naglagay din ng anila ng hiwalay na toilet facilities para sa health workers, gamit ang 40-footer container vans. Mayroon ding medical personnel’s mess hall, disinfecting tents, supply storage area, at air-conditioning system sa 3 isolation tents.
Sinagot ng MB Villar Group of Companies ang mga hospital bed habang ang MVP Group of Companies naman ang magbibigay ng free access para sa mga health workers at patients sa North Luzon Expressway.
Maglalagay rin sila ng libreng WiFi gamit ang Smart Communications, libreng tubig mula sa Maynilad Water Services Inc at kuryente mula sa Manila Electric Company.
Isasailalim na lang sa final inspection ng national government at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang quarantine facility para magamit na ito.
Ang 18,000-square-meter na Philippine Arena ang pinakalamaking indoor arena sa mundo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DZMM, tagalog news, COVID, COVID-19, COVID updates, COVID latest, ncov, health, disease, virus, pandemic, coronavirus, COVID Philippine Arena, COVID Bulacan, COVID quarantiine, COVID Iglesia ni Kristo, COVID MVP Group of Companies, COVID Meralco, COVID MVP Group of Companies, COVID Smart Communications, COVID Maynilad, site only, slideshow