8 'flying voters' arestado sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 'flying voters' arestado sa Maynila

8 'flying voters' arestado sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sa bisa ng warrant of arrest, timbog ang walong residente sa Binondo, Manila na may kasong paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code of the Philippines.

Ayon kay Police Maj. Philipp Ines, ang taga-pagsalita ng Manila Police District, taong 2018 pa lumabas ang arrest warrant ng walo at hindi sila nahuli sa loob ng apat na taon.

Kabilang ang walo sa top 50 most wanted ng MPD.

Noong April 26, may nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya na magkakasama sila sa San Marcelino Street, Manila. Kaya pinuntahan ang lugar ng mga tauhan ng warrant section ng MPD at doon nasukol ang walo.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Ines, hiwa-hiwalay ang arrest warrant ng walo at nagtataka sila kung bakit magkakasama sila sa isang lugar.

“Tinitingnan natin baka nalaman nila na meron na silang warrant of arrest at nagmi-meeting sila. Pinag-mimitingan nila kung paano ang gagawin nila kaya lang naunahan sila ng mga operatiba natin na mahuli. Kasi very unusual naman nahuli ka sa isang location.”

Ayon pa kay Ines, national and local elections noong 2016 nagawa ang krimen o ang vote-buying at naisampa ang kaso. Marahil ay hindi umano sila dumadalo sa mga pagdinig kaya nag-isyu ng warrant of arrest ang korte.

Kinilala ang walo na sina Mikko Tero (26), Miraluna Abelay (45), Gerald Evangelista (22), Philip Regodo (24), Crystal Rapel (22), Stella Pinohon (23), Villa Regodo (22), at Jomar Rasonabe.

Sabi ni Ines, matapos silang maipresenta sa korte at nakulong ng isang gabi sa MPD detention, nakapag-piyansa ang walo ng tig-P36,000 bawat isa noong April 27.

“Nakauwi na sila at ang pagkakaalam ko yung kagawad ng barangay yung nagpost sa kanila ng bail," sabi ng MPD spokesperson.

Nagbabala naman ang pulisya sa flying voters lalo’t papalapit na ang halalan.

“Maaaring makaharap sila ng kasong kriminal at hindi naman basta-basta yung pagkakakulong nito. May pagkakulong ito ng isa hanggang anim na taon. Baka mamaya may mga kababayan tayo na akala nila biro-biro yan. Ito’y pagpapatunay na pina-filan ng kaso yung mga flying voters natin," sabi ni Ines.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.