Kodigo, ID at iba pa: Mga tanong tungkol sa Halalan 2022 sinagot ng Comelec | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kodigo, ID at iba pa: Mga tanong tungkol sa Halalan 2022 sinagot ng Comelec

Kodigo, ID at iba pa: Mga tanong tungkol sa Halalan 2022 sinagot ng Comelec

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC


MANILA — Sinagot ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes ang ilang tanong ng publiko tungkol sa pagboto sa darating na Mayo 9, 2022.

OK lang ba ang kodigo?

Hinihikayat ang pagdadala ng kodigo o listahan ng mga iboboto, sabi ni Elaiza David, Director III ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec.

"'Yun pong importanteng dokumento na dapat nilang dalhin ay ang kanilang kodigo," sabi ni David sa panayam sa TeleRadyo.

Aniya, magandang magdala ng kodigo para maiwasang magkamali sa pag-shade ng ibobotong kandidato, at para na rin hindi magtagal ang botante sa pag-iisip kung sino ang iboboto sa mismong araw ng eleksiyon.

ADVERTISEMENT

Kailangan ba ng ID?

Bagama't hindi rekisito ang ID sa pagboto, maganda ring may dala nito ang botante, sabi ni David, para kung sakaling magkaroon ng problema sa pagkakakilanlan ng botante ay mabilis itong mareresolba.

"It's not really a requirement pero maganda pong may dalang ID just in case na medyo magkakaroon ng problema ma-challenge sa identity," ani David.

Paano kung wala ang pangalan sa precinct finder?

Inamin ni David na maaaring may problema pa rin sa pag-a-upload ng mga pangalan sa precinct finder ng Comelec.

Kaya kung hindi makita ng botante ang pangalan niya doon, maaari siyang magtungo sa opisina ng election officer para iberipika kung saan ang kaniyang presinto.

"It's better to check po sa office ng election officer kung wala sa finder," sabi ni David.

ADVERTISEMENT

Paalala ni David, kung hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na general elections ay deactivated na ang botante.

Kailangan nitong ipa-reactivate ang registration para makaboto sa susunod na halalan. Para sa Halalan 2022, lumipas na ang deadline ng reactivation ng registration.

Paano kung wala ang pangalan sa listahan sa presinto?

Ayon kay David, kung wala ang pangalan ng botante sa listahang nakapaskil sa labas ng presinto pero makikita ang pangalan sa EDCVL o Election Day Computerized Voters' List, maaari pa rin itong bumoto dahil "mas matimbang" ang listahang ito.

Kung wala naman ang pangalan sa EDCVL pero nasa Posted Computerized Voters' List (PCVL) o iyong listahang nakapaskil sa labas ng presinto, maaaring pumunta ang botante sa opisina ng election officer para iberipika.

--TeleRadyo, April 29, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.