Maginhawa organizer bumuwelta sa pambabatikos sa mga community pantry | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maginhawa organizer bumuwelta sa pambabatikos sa mga community pantry

Maginhawa organizer bumuwelta sa pambabatikos sa mga community pantry

ABS-CBN News

Clipboard

Sumagot si Ana Patricia Non, ang nagsimula ng Maginhawa Community Pantry, sa pambabatikos sa mga nag-oorganisa ng mga community pantry.

"Ngayon ang pinakakailangan ng tulong, so I hope community pantries will serve as a wake-up call sa ating lahat. Maraming pumipila araw-araw, maraming nangangailangan. Hindi lang siya basta numbers, kuwento ito ng bawat pamilya na hirap," ani Non.

Ayon kay Non, dapat suportahan pa ng pamahalaan ang pagtutulungan ng mga Pilipino sa oras ng kagipitan.

"Ang tingin ko po, maganda talaga na makita ng tao sa government ang efforts ng community pantry organizers at ang natutulungan niya... focus lang tayo sa pagtulong," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang public address noong gabi ng Miyerkoles, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siyang gawing bantay sarado ng mga local government unit (LGU) ang mga community pantry.

Pero pinuna rin ng chief executive ang umano'y madalas na hindi pagsunod sa health protocol sa mga pila.

"'Pag maglinya lang sila not so much, then sabihin lang, ‘you're next.’ Ganoon sana ang... Eh walang isip 'yong mga g***** 'yan eh. What they just do is just to show to the people that they care but they do not really care because of their ignorance," sabi ni Duterte.

Nauna nang iginiit ng mga kritiko ng pamahalaan na ang mga community pantry ay sumasalamin sa kakulangan ng gobyerno sa pagtugon sa lumalalang sitwasyon ng gutom sa bansa ngayong may pandemya.

Wala namang tigil ang pagdating nitong Huwebes ng mga donasyon sa Maginhawa Community Pantry, na ngayo'y ginawa na lang drop-off point ng mga donasyon.

Mula sa Maginhawa pantry, ipinamamahagi ang mga donasyon sa ibang pantry sa 15 barangay sa Diliman, Quezon City.

Uniform din ang operasyon ng mga pantry mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

"Masaya. Hindi kami nahihirapan kasi ang mga tao sumusunod naman sa amin," sabi ni Bella Sueno, organizer ng isang community pantry.

"May pila na dito 4 a.m. Start kami 7:30. 10 a.m. tapos na kami sa pamimigay... mahirap pero masarap sa pakiramdam na makapagbigay," sabi naman ng organizer na si Arlene Belbis.

"Dati kami lang mag-asawa (nag-aasikaso ng community pantry). Natutuwa ako kasi may nagvo-volunteer nang tumulong. Ngayon 5 na kami," dagdag ni Belbis.

Sa mga community pantry, hindi required ang permit at wala ring fee na puwedeng singilin ang mga organizer o nakakasakop na barangay.

Pero dapat umanong i-coordinate sa lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng pantry.

"Kailangan ang LGU, siya magbigay ng security and ma-maintain ang peace and order, kasi hindi kaya ng organizer na mangasiwa ng maraming tao," ani Interior Secretary Eduardo Año.

Nagpaalala rin si Año na bawal sa mga pantry ang pamimigay ng alak at sigarilyo.

Hindi rin dapat naglalagay doon ng mga pangalan at retrato ng mga politiko.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.