2 mambabatas namigay ng ivermectin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 mambabatas namigay ng ivermectin

2 mambabatas namigay ng ivermectin

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Dalawang kongresistang nagsusulong ng paggamit bilang panlaban sa COVID-19 ng ivermectin, na unang nakilala bilang anti-parasitic drug sa hayop, ang namigay nito sa mga residente ng Quezon City.

Sa kabila ng banta na maaari silang maaresto, namigay ng ivermectin sina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Sagip Rep. Rodante Marcoleta sa higit 35 residente ng Barangay Matandang Balara, Quezon City nitong Huwebes.

Isa sa mga nakatanggap ng ivermectin si Fernando Leonardo na nakanood daw ng mga video sa YouTube tungkol sa benepisyo nito.

"Malaking tiwala ko, nagtiwala nga 'yung ibang bansa eh tayo pa... Walang mawawala," aniya.

ADVERTISEMENT

Apat na doktor ang nagbigay ng reseta ng ivermectin sa programa ng mga mambabatas.

"We are in the middle of an emergency situation, hindi na puwedeng 'yung technicalities... If this is working why not use it? I-waive mo muna 'yung technicalities," ani Dr. Allan Landrito.

Ito'y kahit wala pang awtorisasyon mula sa Food and Drug Administration na puwede ang ivermectin na panlaban sa COVID-19. Compassionate special permit pa lang sa limang ospital ang naiisyu ng FDA.

Ayon sa FDA, wala namang problema kung doktor mismo ang magrereseta nito.

"I believe they will be sourcing it (ivermectin) from a licensed compounding pharmacy. And as long as they have doctors there who will take a look at patients and prescribe the medicines then that's not a problem. That's the responsibility now of the doctors," sabi ni FDA director general Eric Domingo.

Ayon sa barangay, may koordinasyon naman sa kanila ang event.

Sabi naman ng ibang eksperto, kulang pa ang mga basehan para masabing epektibo ang ivermectin laban sa COVID-19.

"We are not closing the door on ivermectin. What we are saying is there is still insufficient evidence... It means you may or may not use the drug but it is your responsibility to explain to the patient the status of the evidence," ani Dr. Marissa Alejandria, miyembro ng COVID-19 technical advisory group sa ilalim ng DOH.

"Iba pa rin 'yung trial na Pilipino ang lumalahok... Para makikita natin paano ba talaga nagre-respond ang mga Pilipino sa ganiyang gamot... There might be certain adverse events na unique lang sa mga Pilipino kaya very useful po ang magkaroon ng local trial sa ating bansa," sabi naman ni Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development executive director Dr. Jaime Montoya.

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang FDA na magsagawa ng local clinical trials para sa efficacy ng ivermectin sa mga Pinoy na mayroong COVID-19.

Umalma naman si Defensor kaugnay sa umano'y tila panggigipit sa mga nagsusulong ng ivermectin.

Bago niresetahan ng gamot ang mga residente, pinapirma muna sila ng ivermectin request form na nagsasabing sumasang-ayon sila na makatanggap nito habang batid nila ang ang posibleng epekto nito sa kalusugan.

Tinatanggalan din nila ng anumang responsibilidad, o posibilidad na makasuhan ang nagbigay sa kanila ng ivermectin.

Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pagpirma sa waiver ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng criminal liability kung mapapatunayan na may pananagutan ang isang tao o grupo.

"In general, a criminal offense is committed against the people of the Philippines and not just against a particular person, except in private offenses such as adultery. So that person's waiver does not extinguish any criminal liability, assuming such liability has been independently established," ani Guevarra.

—Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.