ALAMIN: Ano ang ivermectin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang ivermectin

ALAMIN: Ano ang ivermectin

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 07, 2021 04:22 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa kaniyang social media page, inanunsiyo ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang balak na mamahagi ng libreng gamot na Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

Prayoridad niyang mabigyan ng Ivermectin ang mga may sakit lalo na ang mga senior citizen. Hinikayat din niya na mag-private message ang sinumang nangangailangan nito para ma-prioritize sa napipintong distribusyon.

Bagama't walang tinukoy na sakit, naging maingay ang Ivermectin bilang gamot umano kontra sa COVID-19.

Ang Ivermectin ay isang anti-parasitic drug. Madalas itong ginagamit bilang pampapurga. Merong human grade Ivermectin at veterinary-grade Ivermectin o 'yung para lang sa mga hayop.

Sa Pilipinas, ang tanging rehistrado at binebenta pa lang na uri ay iyong para sa mga hayop.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, puwede namang makakuha ng Ivermectin basta’t may reseta ng doktor at bibilhin ito sa isang pharmacy na awtorisadong gumawa ng gamot.

"If you’re going to dispense an antibiotic, you have to have a doctor to check and write a prescription and then that prescription goes to a compounding pharmacy and make that for the patient. And they explain to a patient that this is what this drug will do to you, these are the possible effects. If that patient accepts it, then that is the legal way of doing this. Iyung veterinary products, definitely hindi pwedeng ireseta sa tao," paliwanag ni Domingo.

Depensa naman ni Defensor, may tamang protocol na susundin ang kaniyang ipamimigay na Ivermectin, na base umano sa mga pag-aaral ay nakitang nakatulong sa ilang pasyente sa ibang bansa sa panahon ng pandemya. Tinawag na rin niya itong "clinical trial."

"I'm getting it from a compounding laboratory, there is a prescription following the FDA guidelines and I am giving people access to that. I am not selling it. I'm giving it for free... We hope that this clinical trial that we're doing will be also imitated, gamitin din sa ibang lugar," sabi ni Defensor.

Pero nang tanungin kung sino ang puwedeng managot sakaling magka-side effect sa paggamit ng Ivermectin, ito ang sagot ni Defensor: "The point is before you’re allowed to take it, may consent 'yung tao. May consent naman 'yung tao diyan, it is an informed consent."

Bagama't rehistrado lang ang Ivermectin sa Pilipinas para sa mga hayop, inamin ni Defensor na mismong siya ay gumagamit nito isang beses kada 2 linggo.

Pero marami na sa medical community ang nagbigay babala sa paggamit ng Ivermectin. Posible rin na makaranas ng side effects kung mali ang dosage nito.

"May mga side effect [na] nakita sa literature. Common diyan ay headache. Sometimes they have abdominal pain. You have to watch out for that," ani Dr. Rontgene Solante.

"Sa ganiyang mataas na dose, pwedeng magkaroon ng brain damage ang isang tao at puwedeng mamatay kung ma-overdose nang todo-todo," sabi naman ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health (DOH) technical advisory group.

Una nang sinabi ng DOH na hindi nito inirerekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19. Ang World Health Organization, sinabing wala pa ring sapat na ebidensiya na puwedeng makagamot o mapigilan nito na magka-COVID-19 ang isang tao.

Inaalam na ng DOH kung paano binabalak ni Defensor na ipamahagi ito sa mga taga-Quezon City.

"The WHO said it has to be used right, not only in the setting of a clinical trial. So this kind of dispensing and having the community use it is not a clinical trial... The clinical trial is a scientific process with very definite steps and based on scientific rigor. For us doctors, our mantra would be do no harm first. So this one is opposing all the scientist and medical principles that we have right now," ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila nito, naninindigan si Defensor na ligtas gamitin ang Ivermectin.

Pero sabi ni Domingo, hindi porke't wala pang namamatay sa gamot ay ligtas na ito.

"Just because it hasn't killed anybody doesn’t mean it's safe. Meron kasing side effects," ani Domingo.

Ang Malacañang naman, hinikayat ng publiko na hintayin na lang ang desisyon ng FDA na maglabas ng compassionate special permit para sa Ivermectin.

Ayon sa FDA, noong nakaraang Miyerkoles ay may natanggap na silang isang aplikasyon para bigyan ng naturang permit ang Ivermectin.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.