Pangilinan nauunawaan ang di pag-endorso ng mga artista sa kaniya bilang VP | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pangilinan nauunawaan ang di pag-endorso ng mga artista sa kaniya bilang VP

ABS-CBN News
Published Apr 28, 2022 05:14 AM PHT
|
Updated Apr 28, 2022 05:17 AM PHT

MAYNILA – Dahil sa pagkabeterano sa pulitika, hindi na ikinagulat ni vice presidential candidate at senator Francis "Kiko" Pangilinan ang hindi pag-endorso sa kanya ng ilang mga artista sa kabila ng pagsuporta nila sa kanyang running mate na si Vice-President Leni Robredo bilang pangulo.

Sabi ni Pangilinan, nauunawaan niya ang ganitong sitwasyon at dapat itong irespeto.

Noong April 23 sa Pasay City, sorpresang umakyat sa stage ng People’s Rally at Street Party sa Macapagal Blvd. si Vice Ganda at inendorso si Robredo bilang pagkapangulo.

Pero sa kabila ng malakas na sigawan ng mga manonood na "isama si Kiko" sa kanyang endorsement, hindi binanggit ni Vice Ganda ang pangalan ng senador.

ADVERTISEMENT
Nakipagkamay din naman siya at isinama din si Pangilinan sa picture-taking.

Para kay Pangilinan, maituturing nang victory ang naturang endorsement para kay Robredo.

“Kasama 'yan eh. Sabi ko nga demokrasya tayo, so respetuhin natin … Sa akin ang basta importante si VP Leni sinusuportahan ... Victory na rin ’yun kesa naman iba suportahan. Sa akin OK lang ’yun,” ani Pangilinan.

Aniya, kaibigan naman din niya ang lahat ng mga celebrity endorser na naroroon sa naturang party.

“Hindi naiiba sa atin itong may ibang choice. It’s part of the political campaign dynamics. Tiwala ako, in the end naman, taumbayan ang tataya eh,” ani Pangilinan.

Samantala, may apela naman si Pangilinan sa mga pulis sa paglalabas ng mga crowd estimate sa kanilang mga campaign rally.

Sa pagtaya ng mga organizer ng People’s rally at street party sa kaarawan ni Robredo, umabot sa 412,000 ang mga dumagsang tagasuporta ng tambalang Leni-Kiko.

Subalit kung ang PNP ang tatanungin, umabot lamang ang dami ng tao doon hanggang 100,000.

“Tao naman ang nakakaalam. Kahit paano mo babaligtarin ’yung katotohanan, nararamdaman sa baba. At ang pakiusap natin sa PNP, huwag kayong sumama sa pulitika, doon tayo sa totoo,” ani Pangilinan.

Kinondena rin niya ang vandalism sa mga mural ng tambalang Leni-Kiko sa Navotas City. Aniya, dito dapat ipakita ng PNP na kaya din nilang panagutin ang mga taong nasa likod nito.

“Ipakita naman ng PNP na patas sila at hindi dapat itong vandalismo. Sa mga gumagawa, kung akala nila mapipigil nila ’yung damdamin ng taongbayan sa ganyang mga kilos, nagkakamali sila. Sana ang PNP imbestigahan at hanapin yung mga gumawa nito para hindi maulit,” pahayag ni Pangilinan. – Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT