Panukalang magbibigay ng daily wage subsidy, inihain sa Kamara | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panukalang magbibigay ng daily wage subsidy, inihain sa Kamara

Panukalang magbibigay ng daily wage subsidy, inihain sa Kamara

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Kada 2 linggo na lang ang pasok at nasa kalahati na lang ang sahod ng company driver na si Rommel Sison magmula noong nagkapandemya.

Dalawa ang anak nya at may sakit ang asawa kaya para mairaos ang araw na iti, gulay na lang ang binili niya.

"Mahal bilihin… Kulang yung minimum. Baboy pa lang P400 plus... Mahirap, wala kami naiipon, napupunta sa upa ng bahay, tubig, kuryente pa. Suma-sideline na lang ako sa Antipolo habal pag walang pasok, nagbenta din ng prutas," ani Sison.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, P103 ang ibinaba sa aktwal na halaga ng P537 minimum wage sa Metro Manila, na siyang pinagbasehan ng mga petisyon para sa umento.

Pero isa-isa itong ibinasura ng mga Regional Wage Board dahil hirap din ang maraming negosyo.

Noong Martes, inihain ng Bayan Muna sa Kamara ang panukalang P100 daily wage subsidy para sa mga manggagawa.

ADVERTISEMENT

"Yung P100 ay manggagaling sa gobyerno... Tamang tama dahil merong mga panawagan para i-defund itong mga ahensya ng gobyerno na sa halip na makatulong, sila pa yung nag-re-red tag, sila yung vini-vilify yung mga community pantries, mga ordinaryong mamamayan," ani Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

Ayon kay Gaite, dapat bigyan ng daily wage subsidy lahat ng manggagawa na nasa 12 hanggang 23 milyon ang bilang.

Pero hindi pa rito kasama ang nasa informal sector kaya may mga nagsusulong din para sa P10,000 one time ayuda.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE), humihiling din ng pondo para sa sariling wage subsidy program.

Giit naman ng mga labor group, ito na ang pinakamasaklap na Labor Day celebration.

"Ang Labor Day ay talagang araw ng pagdiriwang para sa manggagawa, pero this time around walang ipagdidiwang," ani Partido Laban ng Masa president Sonny Melencio.

"Haharapin ng mga manggagawa yung Mayo uno na pasan-pasan niya yung multiple na krisis… Krisis ng kalusugan at krisis ng kabuhayan na pinalala ng palpak at inutil na gobyerno," sabi naman ni Leody de Guzman, chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

May ikinakasang protesta sa umaga at virtual program sa hapon ang iba’t ibang grupo ng sa Sabado, araw ng paggawa.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.