KMU may hirit sa gobyerno ilang linggo bago ang Labor Day | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KMU may hirit sa gobyerno ilang linggo bago ang Labor Day

KMU may hirit sa gobyerno ilang linggo bago ang Labor Day

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Higit 2 linggo bago ang Labor Day sa Mayo 1, nakikiusap na ngayon pa lang ang ilang labor group para mapabuti ang kalagayan ng mga obrero sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) chairman Elmer Labog, hindi sapat na pawang mga oportunidad sa trabaho lang ang iaalok ng gobyerno sa darating na Labor Day.

Sa halip, patuloy na isinusulong ng mga labor group ang P100 dagdag sa minimum wage.

"Higit na kailangan ang dagdag na ayuda at adjustment sa tinatawag na minimum wage levels ng manggagawa," ani Labog.

Matatandaang noong Marso ay ibinasura ng National Wages and Productivity Commission - Regional Tripartite Wages and Productivity Board - NCR ang hirit na umento ng mga labor groups ngayong taon.

ADVERTISEMENT

Higit aniya itong kailangan lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at nagpapatuloy ang pandemya.

Hinimok ng grupong i-subsidize o akuin ng gobyerno ang bahagi ng isinusulong na dagdag-sahod at hindi lang ito iatang sa private sector.

Hiniling din ng KMU ang karagdagang ayuda sa mga manggagawang apektado ng pandemya.

"Dapat lalong bigyan ng sapat na atensiyon ng gobyernong ito ang kalagayan ng mga manggagawa," ani Labog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.