ALAMIN: Ano ang 'MECQ Flex' na mungkahi ng Metro mayors? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang 'MECQ Flex' na mungkahi ng Metro mayors?

ALAMIN: Ano ang 'MECQ Flex' na mungkahi ng Metro mayors?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Sa pagtatapos ng quarantine classifications sa Abril 30, nagbabala ang ilang eksperto na posibleng magaya ang Metro Manila sa dinaranas na krisis ngayon sa India kung maagang ibabalik sa mas maluwag na general community quarantine ang National Capital Region (NCR) Plus.

Inirerekomenda ng mga eksperto, partikular na ng OCTA Research, ang pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, para tuluyang mapahinga ang mga ospital matapos ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Nasa ilalim ng MECQ ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna.

Pabor naman ang Metro Manila Council, o samahan ng mga alkalde sa Kamaynilaan, sa pagpapalawig nito, para hindi mabalewala ang epekto ng mga paghihigpit ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

Pero dahil marami na ang nawalan ng trabaho, kailangan din umanong magkaroon ng kaunting pagluwag. Kaya ang hirit nila: ipatupad ang flexible MECQ o "MECQ Flex.”

"Takot ang mga doktor na magkaroon ng infection, na dumami pa ito. On the other hand marami nagugutom, walang trabaho,” ani Benhur Abalos, Metropolitan Manila Development Authority chairman.

"The middle ground is having the same MECQ but more businesses activities, under what is called MECQ flex,” dagdag niya.

Sa ilalim ng MECQ flex, papayagang magbukas ulit ang iilang mga negosyo at aktibidad. Pero nakadepende sa listahang ilalabas ng Department of Trade and Industry ang mga ito.

Para kay San Juan Mayor Francis Zamora, mababalanse ang pangangailangan ng ekonomiya habang pinipigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

"Ibig sabihin, ang mga low-risk businesses ay idadagdag sa kasalukuyan nating MECQ. Importante kasi ang mga open-air businesses and activities. Ibig sabihin, 'yung mga negosyo at establisimyento na hindi delikado para sa atin," ani San Juan Mayor Francis Zamora.

"Most likely, you will see more open-air businesses— mga restaurants papalawigin ang operational capacity, 'yung ibang personal care services na pwedeng gawin in open air," dagdag niya.

Bukod sa MECQ Flex, nagkasundo rin ang Metro Manila Council na iklian ang unified curfew hours sa NCR simula Mayo 1.

Ibig sabihin, magsisimula ang curfew alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga simula Mayo para umano makabawi sa mga negosyo.

"So itong 2 hours, malaking bagay po ito. Usually, before 8 p.m. po, nagsasara na ang mga establishments. Kapag ginawa nating 10:00 p.m. 'yan, kahit papaano magdadagdag sila ng 2 hours at dagdag din ng customers nila iyan, pero of course iyong minimum health protocol pinapatupad pa rin natin,” ani MMDA General Manager Jojo Garcia.

Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang desisyon tungkol sa quarantine protocols gabi ng Miyerkoles.

— Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.