BALIKAN: Gaano kabilis sumampa sa 1 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BALIKAN: Gaano kabilis sumampa sa 1 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas

BALIKAN: Gaano kabilis sumampa sa 1 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagaman lumampas na sa 1 milyon ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pilipinas, nanawagan ang gobyerno na huwag lang tingnan ang numerong ito.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mataas din ang bilang ng mga gumagaling.

"Dapat din siguro alamin natin na ang total recoveries natin ay nasa 900,000 more or less na. So mataas ang recovery rate natin... Siguro mas mabuting 'yon ang tingnan natin para mas positive," ani Duque.

Una nang sinabi ng gobyerno na naging maagap sila sa pagpapatupad ng travel ban kaya naiwasan ang mas mabilis na pagkalat ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, noon.

ADVERTISEMENT

Pero iba ang sinasabi ni dating Health secretary Esperanza Cabral.

"Sa Vietnam, ang unang-una nilang ginawa doon ay border control. Mayroon din tayong border control kaya lamang 3 months late. Ang Vietnam, January pa lang ay inuumpisahan na nila," ani Cabral.

Enero 31 noong isang taon, o isang araw matapos maitala ang kauna-unahang COVID-19 case sa Pilipinas, saka pa lang nagpasya ang pamahalaan na suspendehin ang pagpasok ng mga turista mula sa Hubei province ng China.

Unang linggo naman ng Pebrero nang tuluyang i-ban ang pagpasok ng mga galing sa China, Hong Kong at Macau.

Pero gaano nga ba kabilis narating ng Pilipinas ang ika-1 milyong kaso?

Agosto 2, 2020 nang pumalo sa 100,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa. Doon nagsimula ang surge noong nakaraang taon.

Makalipas ang 24 na araw, naging 200,000 ang mga kaso noong Agosto 26.

Eksakto namang isang buwan, naging 300,000 ang numero at mula noon, humaba na ang dami ng araw bago pumalo sa 400,000 at 500,000 ang kabuuang bilang.

Ikinatuwa ng lahat na hindi natuloy ang inaasahang surge noong Disyembre at Enero dahil sa holiday season at iba pang mga okasyon.

Pero nabago ang lahat pagsapit ng Marso.

Marso 9, 2021 pumalo sa 600,000 ang COVID-19 cases sa bansa at inabot lang ng 17 araw bago ito naging 700,000 noong Marso 26.

Makalipas ang isang buwan, mula 700,000, lagpas 1 milyon na ang bilang. Ibig sabihin, lagpas 300,000 impeksiyon ang nangyari sa loob lang ng 4 na linggo.

Sa ngayon, nasa 8,700 ang average na naire-report na kaso kada araw kompara sa halos 11,000 noong mga nakaraang linggo.

Pero para kay ABS-CBN News Data Analytics Head Edson Guido, may dapat maintindihan ang publiko.

"Itong 8,700, mataas pa rin siya. 'Yong pagbaba ng kaso, actually, mas mataas siya sa NCR kompara sa national level," ani Guido.

"Even 'yong overall positivity rate natin, below 20 percent na siya for 12 straight days pero mataas pa rin. Nasa 17 to 18 percent, so nasa 3 to 4 times higher pa rin siya compared to the recommended level ng World Health Organization na 5 percent or lower for at least 2 weeks," paliwanag ni Guido.

Kahit bahagyang bumaba ang kaso ngayon, higit na kailangan pa rin ang mas mabagal na pagkalat ng sakit.

"Kung tuluyan talagang hindi mag-i-improve 'yong mga cases in the coming weeks ay nandu'n pa rin 'yong posibilidad na 1.5 million cases naman 'yong matatamaan natin by the end of June," ani Guido.

Sa ngayon, ilang grupo na ang nagrekomenda na ipagpatuloy pa rin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan para gumanda pa ang sitwasyon.

Ngayong Martes, nadagdagan ng 7,204 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa para sa kabuuang 1,013,618, kung saan 71,675 ang active cases.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.