Supporters ng Leni-Sara tandem nag-caravan ng mga kalesa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Supporters ng Leni-Sara tandem nag-caravan ng mga kalesa

Nico Bagsic,
ABS-CBN News
Published Apr 25, 2022 12:02 AM PHT
|
Updated Apr 25, 2022 08:25 AM PHT

Dalawampung mga kalesa na puno ng mga bulaklak na kulay pink at green ang nag-caravan sa paligid ng Luneta at kalapit na lugar sa Maynila para itulak ang tambalang Leni Robredo at Sara Duterte-Carpio sa Halalan 2022.

Tinawag ng mga organizer ang event na KaLeSa o "Kay Leni-Sara."

Ang grupo ay binubuo ng mga ordinaryong mamamayan sa iba't ibang sektor ng lipunan na ineendorso ang ang tandem ni Robredo at Duterte-Carpio.

Ayon sa grupo, nais nila ang tapat at epektibong pamumuno ni Robredo sa pagka bise presidente. Anila, si Robredo ang madaling lapitan sa panahon ng mga kalamidad. Isa rin ito sa mga unang rumesponde noong nagsimula ang COVID-19 pandemic sa bansa.

ADVERTISEMENT
Pinili naman ng grupo si Duterte-Carpio bilang kanilang nais suportahan sa pagka bise presidente dahil sa matapang nitong katangian.

"Dahil pandemic, hindi pa din natatapos. Nakikita naman namin, based natin sa ibang bansa may mga babae naman na naging leader. Pero this pandemic mas nakikita natin na ang resulta na pag ang babae ang namuno sa atin ay meron namang magandang patutunguhan," saad ni Jan Martinez, isang entrepreneur at miyembro ng kilusang KaLeSa.

Binalikan din ng isang miyembro ang kanilang karanasan nang lumapit at humingi ng tulong kay Robredo noong sila ay narelocate sa Norzagaray, Bulacan mula sa Quezon City.

"Kami po ay patuloy na tumutugon sa kakulangan doon at kami ay nakaranas ng pandemya na kung saan ay si Ma'am Leni ang tumulong doon. Isang oras lang namin tinawagan namin siya pero ang kagyat niyang sinagot at tinugunan sa pandemya," pahayag ni Jovie Iletos na narelocate sa bundok ng Norzagaray ng walang resettlement plan.

Naniniwala din ang KaLeSa sa tandem ng dalawang babae dahil sa kanilang pusong ina kung saan tinutugan ang pangangailangan ng katulad nila.

Dagdag pa ng grupong KaLeSa, ang pag-endorso nila sa tandem ni Robredo at Sara ay pagpapahayag din ng tunay na pagkakaisa o unity sa darating na halalan.

RELATED VIDEO
Read More:
Leni-Sara
Kay Leni Sara
KaLeSa
Robredo
Duterte
Duterte-Carpio
Halalan 2022
eleksyon 2022
elections
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT