TINGNAN: Maginhawa pantry organizer, Angel Locsin ginawan ng leaf portrait | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Maginhawa pantry organizer, Angel Locsin ginawan ng leaf portrait

ABS-CBN News
Published Apr 25, 2021 01:25 PM PHT
|
Updated Apr 25, 2021 06:33 PM PHT

Binigyang pugay ng isang 23 anyos na leaf artist mula Tigaon, Camarines Sur ang 2 sa kilalang mga kapuwa niyang nagtayo ng community pantry.

Inukit ni Dominic Jay Gregorio sa dahon ng langka ang mukha ni Ana Patricia Non, ang pasimuno ng community pantry sa Maginhawa, Quezon City na naging inspirasyon ng daan-daan pang community pantry sa ibang panig ng bansa.

Ginawan din niya ng leaf portrait ang aktres na si Angel Locsin, na nag-organisa rin noong Biyernes ng pantry at aktibo sa pagtulong sa iba-ibang sektor nitong COVID-19 pandemic.

"Sa aking pagtaas ng kamay, alay ko sa inyo ay pagpugay. Taos puso kayong nagmalasakit, sa amin kayo'y tunay na hulog ng langit," sabi ni Gregorio.

Ipinagtanggol ni Gregorio si Non at iba pang community pantry organizer sa pangre-redtag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Dinepensahan rin niya si Locsin sa mga bumabatikos ng aktres dahil sa pagpanaw ng isang lolo na pumila sa pantry nito.

"Hindi po ito 'yong panahon para tuligsain ang mga taong tumutulong sa kapuwa, bagkus makiisa na lang at magpaabot ng suporta nang sa ganoon, matugunan 'yong mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mahihirap," aniya.

Nagtayo si Gregorio, katuwang ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan, ng pantry sa kanilang lugar sa Barangay Talojongon sa Tigaon.

Nasa ikatlong araw na ng operasyon ang pantry at hinikayat ni Gregorio ang publiko na ipagpatuloy ang pag-ambag sa mga pantry.

Samantala, namahagi naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Mariculture Technology Demonstration Center ng 110 kilo ng red tilapia sa mga community pantry sa Alaminos, Pangasinan.

Bukod sa mga donasyon sa mga pantry, namahagi rin ang BFAR ng 50 kilo ng red tilapia sa mga quarantine facility at checkpoint sa lungsod.

— Ulat nina Jonathan Magistrado at Melinda Ramo
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Angel Locsin
Ana Patricia Non
community pantry
leaf portrait
leaf art
rehiyon
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT