Mas maraming mahihirap may sakit sa puso, ayon sa pag-aaral | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mas maraming mahihirap may sakit sa puso, ayon sa pag-aaral

Mas maraming mahihirap may sakit sa puso, ayon sa pag-aaral

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC


Lumalabas sa pag-aaral ng Prospective Urban and Rural Epidemiologic Study (Pure) na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso ang mga kabilang sa "low income" population.

Para sa project leader ng PURE na si Antonio Dans, "nakakagulat" ito dahil akala nila'y ang sakit sa puso ay sakit ng mga mayayaman.

"Nakakagulat ’yan kasi mula't mula pa akala na natin na ’yung stroke at heart attack sakit ng mayaman ’yan kasi mas overweight, di nag-e-exercise, kung ano-ano ang kinakain," sabi ni Dans sa isang panayam sa TeleRadyo nitong Sabado.

Ayon kay Dans, mas marami ang namatay na mahihirap dahil sa heart attack, stroke at iba pang non-communicable disease.

ADVERTISEMENT

" ’Yung mga mahirap na bansa mas maraming stroke at heart attack. At saka doon sa mga bansa naman na mahihirap sa loob ng isang bansa ... mas madalas din silang mamatay sa heart attack and stroke," ani Dans.

Ang Pure ay isang pandaigdigang pag-aaral na nilahukan ng 27 bansa, kabilang ang Pilipinas.

Higit 100,000 tao ang sinundan ng pag-aaral, ayon kay Dans.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.