Red Cross may paparating na Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo o Hulyo: chair | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Red Cross may paparating na Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo o Hulyo: chair

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2021 04:44 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2021 01:42 PM PHT

MAYNILA - May paparating na Moderna coronavirus disease (COVID-19) vaccines ang Philippine Red Cross sa Hunyo o Hulyo, ayon sa chairman nitong si Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Gordon, may bayad ito at kailangan din nilang mag-donate ng isa pang bakunang ibibigay naman sa mga walang kakayahang magbayad.

"Halimbawa [ang bibili] kayang-kaya na magbayad. Hindi naman gaano kamahal, mayroon kang magbabayad ka, magdo-donate ka para sa may hindi kaya para mas marami tayo, makarami tayo," ani Gordon sa panayam sa Teleradyo, gabi ng Huwebes.

Magbibigay din ng sertipikasyon ang Philippine Red Cross na nagpapatunay na ginamit para sa mga nangangailangan ang idinonate na bakuna, dagdag ni Gordon.

Tinatayang nasa P4,000 ang dalawang dose ng naturang bakuna. Ibig sabihin, kailangang maglabas ng P8,000 ang isang kukuha nito.

Para sa mga interesadong magpa-reserve, maaaring mag-email sa chairman@redcross.org.ph tumawag sa numerong 1158.

Ayon kay Gordon, napaghandaan na nila ang mga gagawin oras na magsagawa na rin sila ng sarili nilang vaccination.

"If ibigay sa amin, ang unang pina-practice namin sarili namin. Lahat kami nabakunahan na," ani Gordon.

Sa ngayon ay wala pang emergency use authorization (EUA) ang Moderna.

Ang mayroon lang na EUA sa bansa ay ang mga COVID-19 vaccine ng Pfizer, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, at Janssen - na may conditional authorization sa gitna ng nararanasan umanong mga side effect.

Nabanggit din ni Gordon na mabagal ang usad ng pagpapabakuna.

Giit niya, posibleng aabutin ng 5 taon na makamit ng buong bansa ang tinatawag na herd immunity kung titingnan ang bilang ng mga nababakunahan.

"With the last 7-day average of daily vaccinated individuals at 43,835, it will take 4.8 years — almost 5 years — until 2026 to complete the 70 percent (vaccination), 77 million Filipinos," ani Gordon.

"So dapat dagdagan natin ang mga bakuna at magpapabakuna."

Aabot sa 1,612,420 ang bilang ng mga nabakunahan na sa bansa magmula Abril 22. May nasa 3,525,600 nang bakunang dumarating sa bansa, kung saan 3,025,600 ay na-distribute na.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Moderna
coronavirus disease
COVID-19
Moderna vaccines
Philippine Red Cross
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT