Criminology student timbog matapos makuhanan umano ng shabu sa Cotabato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Criminology student timbog matapos makuhanan umano ng shabu sa Cotabato

Criminology student timbog matapos makuhanan umano ng shabu sa Cotabato

ABS-CBN News

Clipboard

Timbog ang isang criminology student matapos umano makuhanan ng hinihinalang shabu sa bayan ng Kabacan, Cotabato Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa PDEA-Region 12, nakuhanan ang suspek ng 11 sachet ng naturang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P68,000 sa bahay niya sa Barangay Aringay.

Nakuha rin mula sa kaniya ang mga drug paraphernalia at improvised firearm, ayon sa PDEA.

Graduating student sa kursong BS Criminology umano ang suspek.

ADVERTISEMENT

Tumatanggap umano siya ng motorsiklo bilang pambayad o kapalit ng kaniyang ibinebentang droga.

Haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inarestong suspek. — Ulat ni Hernel Tocmol

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.