'Pang-iisnab' ng Grab drivers, sinisisi sa mahigpit na regulasyon ng gobyerno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pang-iisnab' ng Grab drivers, sinisisi sa mahigpit na regulasyon ng gobyerno

'Pang-iisnab' ng Grab drivers, sinisisi sa mahigpit na regulasyon ng gobyerno

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinisi ng mga opisyal ng ride-hailing company na Grab ang mahigpit na regulasyon ng gobyerno sa paglaganap ng pang-iisnab ng kanilang mga driver sa mga pasahero.

"Nagkakaroon tayo ng vicious cycle of over-regulation resulting in bad behavior, resulting in poor costumer service, resulting in more regulation. Tapos umiikot lang tayo doon," sabi sa isang forum nitong Lunes ni Grab country manager Brian Cu.

Kaugnay ito sa pagkalat sa social media noong nakaraang linggo ng mga reklamo sa mga driver ng Grab dahil sa umano ay pagkansela nila sa ilang bookings o mga biyahe.

Ayon naman kay Grab Country Marketing Head Cindy Toh, isa rin sa dahilan kung bakit napilitan ang kanilang mga driver na magkansela ng biyahe ay dahil sa pagsuspende ng gobyerno sa P2 kada minutong dagdag-singil sa pasahe.

ADVERTISEMENT

"Kung lalabas sila, they accept that ride, malulugi pa rin sila, given gas, maintenance, amortization. They need to pay for all these things kasi," ani Toh.

Sa isang pahayag, hindi itinanggi ng Grab na may mga driver silang nagkansela ng mga biyahe bago pa makaharap ang pasahero.

Pero nilinaw ng kompanya na hindi nila ito pahihintulutan.

Ayon pa sa kompanya, umabot sa 500 driver ang pinatawan nila ng sanction o parusa sa ilalim ng kanilang internal investigation noong nagdaang linggo.

Sa panayam noong Linggo ng DZMM kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Martin Delgra, pinagpapaliwanag ng ahensiya ang Grab kung bakit hindi dapat suspendihin ang kanilang kompanya sa isyu ng pagkansela ng mga biyahe.

"Mag-i-issue kami ng show cause order against the driver and the operator, and obviously, also summon Grab as regards that particular incident," sabi ni Delgra.

Dagdag ni Delgra, ang pagkansela ng mga driver ng Grab ay maituturing na pagtanggi na magbigay ng serbisyo, na labag umano sa kanilang franchise terms.

-- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.