P2/minuto singilan ng Grab sinuspende ng LTFRB | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P2/minuto singilan ng Grab sinuspende ng LTFRB

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2018 12:56 PM PHT
|
Updated Apr 19, 2018 09:11 PM PHT

Ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ng transport network vehicle service (TNVS) provider na Grab ang dagdag-singil na P2 kada minuto sa pasahe.

Inilabas ang suspensiyon matapos aminin ng Grab noong Miyerkoles sa isang pulong kasama ang LTFRB na hindi nila binigyan ng abiso ang mga pasahero hinggil sa singilan.

LTFRB Chairman Delgra on the decision to suspend the P2/min charge: pic.twitter.com/G9u7czpPEt
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) April 19, 2018

"Ater the hearing, we thought it wise to temporarily suspend and immediately suspend the P2-per-minute charge," sabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III sa mga mamamahayag.

Sa order na ipinalabas ng ahensiya, na nilagdaan ni Delgra, mananatili ang suspensiyon habang patuloy ang pagdinig sa isyu.

LTFRB iniutos sa Grab na suspindihin ang dagdag na dalawang pisong kada minuto na sinisingil sa mga pasahero @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/S5kYSLaQhu
— Joyce Balancio (@joycebalancio) April 19, 2018

Una nang sinabi ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na ilegal ang P2 kada minutong singilan ng Grab.

Ayon pa kay Nograles, nasa P1.8 bilyon ang utang ng Grab sa mga pasahero sa nakalipas ng limang buwan lang.

Pero dumepensa si Grab Philippines country manager Brian Cu at iginiit na hindi labag sa batas ang singilan.

Ipinaliwanag din ni Cu na 80 porsiyento ng kinikita sa P2-per-minute charge ay napupunta sa kanilang mga driver.

"What the time element allowed us to do was, one, normalize driver's income, which is the main purpose of what we tried to do, para po itama 'yung kinikita nila sa biyahe na ginagawa nila, " ani Cu.

Handa namang isauli ng Grab ang P2 isiningil sa pasahero sakaling ipag-utos ito ng LTFRB, sinabi ni Cu.

Maghahain din ng motion for reconsideration ang Grab laban sa suspensiyon.

Grab to file a Motion for Reconsideration of LTFRB's order suspending the imposition of P2 per minute fare component.
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) April 19, 2018
Grab to file a Motion for Reconsideration of LTFRB's order suspending the imposition of P2 per minute fare component.
— Jacque Manabat (@jacquemanabat) April 19, 2018
Itutuloy ang pagdinig sa reklamo sa Grab sa susunod na buwan.

IBANG APP, ACCREDITED NA
Nadagdagan naman ang mga makakalaban ng Grab sa merkado ng ride-sharing matapos aprubahan noong Miyerkoles ng LTFRB ang accreditation ng mga app na Hype at Hirna.

Maaaring mag-book o kumuha ang mga pasahero ng regular-metered taxi sa Hirna habang mga pribadong sasakyan naman ang katuwang ng Hype.

May P20 booking free ang Hype at kahit sa text message ay maaaring mag-book.

"What separates us from the other TNCs (transport network companies) is that our app can handle text messaging," sabi ni Hype Chief Operating Officer Jennifer Silan.

May P5 booking fee naman ang Hirna na babayaran ng operator. Dati na rin itong nag-operate sa Davao.

Noong nakaraang buwan ay binili ng Grab ang operasyon ng Uber, dahilan para mangamba ang ilan na magkaroon ng monopolyo sa merkado.

Tumigil ang operasyon ng Uber sa Pilipinas noong Lunes.

Kabilang sa iba pang naghihintay na ma-accredit bilang TNVS ay ang Owto, Micab, at Go Lag. Pinulong sila ng LTFRB nitong Huwebes para pag-usapan ang kanilang mga singil sa pasahe.

-- Ulat nina Joyce Balancio, Jacque Manabat, at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Grab
surge
LTFRB
fare
pricing
TNVS
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
Brian Cu
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT