Uber, tigil-operasyon sa Abril 9, 'aanib' sa Grab | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Uber, tigil-operasyon sa Abril 9, 'aanib' sa Grab

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2018 09:28 PM PHT

Nagbigay ang abiso ang mga ride-sharing firm na Uber at Grab na magsasama na ang kanilang mga kompanya sa Abril matapos bilhin ng Grab ang operasyon ng Uber sa Southeast Asia.

Ayon sa Uber, makukumpleto ang pagsasama ng dalawang kompanya sa Abril 8. Ibig sabihin, hindi na magagamit ang kanilang app para kumuha ng mga sasakyan simula Abril 9.

Magagamit na lang ang Uber sa mga bansa na mayroon itong operasyon.

Tiniyak naman ng Grab na tatanggapin nila ang mga driver ng Uber at handa silang makipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno para mapaganda ang serbisyo.

Magkahalo naman ang reaksiyon ng mga pasahero.

Tatlong taon nang gumagamit ng ride-hailing app si King Alabe, isang fraud analyst. Napapadali nito ang pagsakay niya papunta sa trabaho araw-araw.

Tanggap ni Alabe ang pag-iisa ng operasyon ng Uber at Grab sa Pilipinas.

"Siguro mas okay iyon, hindi na kailangan mamili," ani Alabe. "Bababa siguro 'yong surge."

Pabor din sa hakbang si Marites Mendoza, na kasama ang mga ka-opisina na sumasakay ng Grab pauwi mula Bonifacio Global City sa Taguig.

Nangangamba lang umano sila kung tataas ang singil sa pasahe ng Grab.

"Para sa'kin kung okay naman 'yong service nila, walang problema," ani Mendoza.

"Problema lang sa pamasahe kasi magkano lang naman 'yong suweldo namin," dagdag niya.

KOMPETISYON
Pero ayon sa Philippine Competition Commission, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa Grab at Uber hinggil sa kasunduan.

Sa ilalim kasi ng Philippine Competition Act, kailangan munang humingi ng "clearance" ang mga partido para sa mga transaksyon na P2 bilyon pataas ang halaga.

Ito'y para matiyak na hindi mauuwi sa monopolyo o eksklusibong pag-aari o kontrol sa kalakal ang ano mang pag-aanib ng mga kompanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinenta ng Uber ang operasyon nito sa kompetisyon, tulad ng nangyari sa China at Russia.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT