Kongresistang nais ipabalik ang P2/minutong singil ng Grab, sinigawan ng drayber | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kongresistang nais ipabalik ang P2/minutong singil ng Grab, sinigawan ng drayber

Kongresistang nais ipabalik ang P2/minutong singil ng Grab, sinigawan ng drayber

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagtanggol ng Grab Philippines ang kanilang singil sa pasahe na P2 kada minuto sa pagdinig sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes.

Ayon kay Grab Philippines Country Head Brian Cu, kinailangan nilang ipataw ang dagdag singil para maitama ang kinikita ng kanilang mga drayber.

"What the time element allowed us to do was one, normalize driver's income, which is the main purpose of what we tried to do, para po itama 'yung kinikita nila sa biyahe na ginagawa nila, " ani Cu.

Pinanghahawakan din umano ng kompanya ang orihinal na department order ng dating Department of Transportation and Communications (DOTC) na nagsasabing ang transport network companies (TNC) ang magtatakda ng kanilang pasahe.

ADVERTISEMENT

Maaari lang umanong makialam ang LTFRB kung may emergency o may abuso na.

Ngunit ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi nakarating sa kanilang ahensiya ang desisyon ng Grab.

“I have to admit na hindi nila pinaalam kung kelan sila nag-impose. As I've mentioned earlier, medyo liberal 'yung treatment pagdating sa pamasahe sa TNVS (transport network vehicle service)," sabi ni Delgra.

Naniniwala naman si PBA party-list Rep. Jericho Nograles na kailangang ibalik ng mga drayber ng Grab ang karagdagang singil.

“Balik po natin doon sa sa calculation na ginawa ko. Ang tingin ko po, umabot na po ng P3.2 billion 'yung kanilang nakolekta," ani Nograles.

ADVERTISEMENT

Tinutulan naman ito ng drayber na si Vince Fernandez na pinalabas sa naturang pagdinig dahil sa pagsigaw kay Nograles.

Giit niya, hindi nila kakayanin kung ipababalik sa kanila ang hinihingi ni Nograles.

“'Di kami pabor du'n siyempre. Wala siyang alam, sa totoo lang, wala siyang alam, nagpapasikat lang 'yan," sabi ni Fernandez.

Dahil hindi nakumbinsi ang LTFRB sa mga isinagot ng Grab, ni-reset sa Mayo ang pagdinig.

Nakatakda namang aprubahan ng LTFRB ang bagong transport network company na gawang Pinoy, ang Hype.

Posible rin na makapag-operate na ito ngayong linggo.

Samantala, tumigil na ang operasyon ng Uber sa bansa simula Lunes.

ADVERTISEMENT

Kontra ito sa utos ng Philippine Competition Commission (PCC) na ituloy ang biyahe nila habang pinag-aaralan ang naganap na merger ng Grab at Uber.

Pagmumultahin ang Uber ng P50,000 hanggang P2 milyon kada araw na hindi nila sinunod ang utos ng PCC.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.