Retrieval ops sa landslide sa Abuyog, Leyte sinuspinde | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Retrieval ops sa landslide sa Abuyog, Leyte sinuspinde

Retrieval ops sa landslide sa Abuyog, Leyte sinuspinde

ABS-CBN News

Clipboard

Makikita sa aerial view na ito ang mga bahay na nasira ng landslide sa Pilar, Abuyog, Leyte nitong Abril 14, 2022 matapos ang mga pag-ulan na dala ng bagyong Agaton. Bobbie Alota, AFP
Makikita sa aerial view na ito ang mga bahay na nasira ng landslide sa Pilar, Abuyog, Leyte nitong Abril 14, 2022 matapos ang mga pag-ulan na dala ng bagyong Agaton. Bobbie Alota, AFP


MAYNILA — Sinuspinde muna ng mga awtoridad ang paghahanap sa mga nawawala sa landslide na dulot ng Bagyong Agaton sa Abuyog, Leyte.

Ayon kay Abuyog Mayor Lemuel Traya, hinihintay nila ang permiso ng Mines and Geoscience Bureau para ibalik ang retrieval operations.

"Yesterday nag-suspend na ng retrieval operations. Based sa recommendation ng MGB kasi, 'yung landslide area unstable siya masyado kasi maputik. Mahirap gawin 'yung retrieval kasi when our rescuers tried to dig, bumabalik lang 'yung lupa," aniya sa panayam sa TeleRadyo, Huwebes.

Nasa 54 katao ang nasawi habang 22 ang nawawala dahil sa landslide sa bayan.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Traya, 2 bangkay ang natagpuan sa dagat matapos magsagawa ng 3 araw na operasyon ang divers ng Philippine Navy.

"We are thinking na the rest are under the mud. Medyo mahirap ma-retrieve sa pagka ngayon kasi ang lupa is still saturated," aniya.

Nasa 1,200 katao mula sa 3 barangay ang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.