Nasawi sa Bagyong Agaton sa Baybay, Leyte umabot na sa 126 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasawi sa Bagyong Agaton sa Baybay, Leyte umabot na sa 126

Nasawi sa Bagyong Agaton sa Baybay, Leyte umabot na sa 126

ABS-CBN News

Clipboard

The convoy of helicopters carrying President Rodrigo Duterte passes one of the areas hit by landslides brought by Tropical Storm Agaton in Baybay City, Leyte during an aerial inspection on April 15, 2022. King Rodriguez, Presidential Photo

MAYNILA — Umabot na sa 126 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Baybay City, Leyte matapos manalasa ang Bagyong Agaton noong nakaraang linggo.

Ayon kay Baybay City Mayor Jose Carlos Cari, nasa 66 katao pa rin ang patuloy na pinaghahanap sa nangyaring trahedya.

Pahirapan ang retrieval operations sa Barangay Kantagnos dahil hindi pa madaanan ang kalsada nito.

"Inaccessible pa rin 'yung barangay kasi 'yung mga kalsada papunta dun makapal ang landslide," aniya sa panayam sa TeleRadyo nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT

"Ang tanging daan lang ay dito sa pagtawid ng ilog. So ang ginagamit ay speedboat, mga sasakyan ng Coast Guard."

Nasa 700 pamilya naman ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Sabi ni Cari, hindi na puwedeng tirhan ang pinangyarihan ng landslide.

May natukoy na na mga lugar ang lokal na pamahalaan upang gawan ng temporary shelter para sa mga apektadong pamilya.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.