Dept. of Migrant Workers, mga problema ng OFW, tinalakay sa Kongreso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dept. of Migrant Workers, mga problema ng OFW, tinalakay sa Kongreso

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Apr 20, 2022 09:16 PM PHT

MAYNILA - Tinalakay ngayong Miyerkoles sa Kongreso ang bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) at ang mga naging problema ng mga overseas Filipino workers sa panahon ng pandemya.

Sa pagtalakay ng House Committee on Overseas Workers Affairs ng House of Representatives sa DMW, pinag-usapan muna ang dalawang bersyon ng Implementing Rules and Regulation nito at kinwestyon ang legalidad ng mga ito.

Magkaiba umano ang IRR na isinumite ni DMW Sec. Abdullah Mama-o at ng Transition Committee nito, kaya hiniling ng DOLE sa palasyo na bigyang pansin ito.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nakita rin ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na may mga probisyon sa IRR sa DMW na hindi nasusunod.

Sabi niya, naglabas ng sagot ang Malacanang noong April 18 at sinabi umano rito na ang dapat sundin na IRR ay 'yung binuo ng Transition Committee na kinabibilangan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang DMW.

Sabi naman ni Mama-o, ang IRR na ginawa niya ay binase sa batas at hindi basta-basta pwedeng mabasura.

“This was published in accordance with the provision of the law. And therefore, this IRR shall stay until it is declared null and void by a court of law," aniya.

Sa gitna ng isyu ng IRR ng DMW, ang mga migrant workers ang naapektuhan, sabi ni dating Labor Undersecretary at OFW advocate Toots Ople.

Kung tutuusin, ang kapakanan ng OFW ang dapat mangibabaw dito, ani Ople. Naiipit umano ang mga OFW sa sigalot sa pagitan ng kampo ni Olalia ng POEA, at ni Mama-o ng DMW.

“We don’t deserve this. This is precisely the anti-thesis of having a DMW. And the reason why we are pushed as the stakeholders for the DMW is to unify all actions, all decisions, all policies related to our OFWs," sabi ni Ople.

Dagdag pa niya, ang sigalot sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan ay hindi nakatutulong sa mga OFW lalo na’t ilang buwan na lang ay matatapos na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya hiling ng migrant workers group, tapusin na agad ang problema para mapagtuunan na ng pansin ang mga OFW.

Sa bandang huli, nagkasundo ang komite na muling ilapit sa Malacanang ang isyu para matapos na ang kontrobersiya hinggil IRR.
Pinangungunahan ni Rep. Raymond Mendoza ng TUCP Partylist ang Committee on Overseas Workers Affairs.
Sa bandang huli, nagkasundo ang komite na muling ilapit sa Malacanang ang isyu para matapos na ang kontrobersiya hinggil IRR. Pinangungunahan ni Rep. Raymond Mendoza ng TUCP Partylist ang Committee on Overseas Workers Affairs.
Matapos ang usapin sa IRR, napag-usapan ang hirap na pinagdaanan ng mga OFW, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Daphne Cenisa ng migrant workers group sa Hong Kong, kahit tumutulong ang konsulada roon, kulang pa rin ito at ang mga pasilidad para tugunan ang mga nagkasakit na OFW.

“Since COVID started, about 30,000 have lost their jobs. And in February, we got caught in the middle of the night, domestic helpers being dismissed by their employers because they were tested positive,” kuwento niya.

Halos wala raw matuluyan ang mga OFW kung saan ang iba ay sa mga parke o sa kalye na nanatili.

Hiling nila, madagdagan ang Refuge Center o Migrant Workers Center ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay isa lang daw ang Refuge Center sa Hong Kong at hanggang 13 lang ang kayang ma-accommodate dito.
Sa kasalukuyan ay isa lang daw ang Refuge Center sa Hong Kong at hanggang 13 lang ang kayang ma-accommodate dito.
ADVERTISEMENT
Ang ibang center ay inisyatibo na lang ng mga NGOs at pribadong indibidwal, aniya.

Sinabi naman ni Usec. Sarah Arriola ng DFA OUMWA, ang mga nawalan ng trabaho at nagkasakit sa HK ay tinatanggap sa mga center ng embahada.

“This was unprecedented because in Hong Kong, this is the first time it happened because of COVID. For a while, they had a lower number of infections,” ani Arriola.

Tiniyak niyang ginagawa nila ang lahat para makatulong sa mga OFW.

Nagpapasalamat rin siya sa mga grupo ng mga Pilipino doon na tumutulong sa migrant workers.
Nagpapasalamat rin siya sa mga grupo ng mga Pilipino doon na tumutulong sa migrant workers.
ADVERTISEMENT
Ang isa pang problema na nais matugunan ng migrant workers ay ang suspensyon ng hiring ng domestic helpers sa ilang bansa sa Middle East.

Sabi ni Mama-o, sisimulan na nilang makipag-usap sa labor officials ng mga bansa para muling buksan ang kanilang bayan para sa Filipino workers.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Department of Migrant Workers
DMW
OFW
overseas Filipino workers
House of Representatives
Tagalog news
House Committee
Abdullah Mama-o
POEA
Bernard Olalia
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT