TINGNAN: Mga bahay sa coastal areas sa Samar nasira dahil sa 'Bising' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga bahay sa coastal areas sa Samar nasira dahil sa 'Bising'

TINGNAN: Mga bahay sa coastal areas sa Samar nasira dahil sa 'Bising'

ABS-CBN News

Clipboard

Nasira ang mga bahay sa tabing-dagat sa Barangay Lao-angan sa bayan ng San Roque, Northern Samar sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Bising. Northern Samar News and Information Office

Nawasak ang mga bahay at iba pang istruktura sa mga coastal area sa Samar dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Sa bayan ng San Roque, Northern Samar, nasira ang mga bahay sa Barangay Lao-angan matapos hampasin ng malalaking alon dulot ng bagyo.

Mga nawasak na bahay sa Pambujan, Northern Samar. Pambujan Disaster and Risk Reduction Management Office

Sinira rin ng malalaking alon ang mga bahay sa karatig-bayan ng Pambujan.

Sa tala ng municipal disaster office, 18 bahay ang nawasak habang 132 naman ang "partially damaged."

ADVERTISEMENT

Hinampas ng malaking alon ang mga cottage sa isang resort sa Borongan, Eastern Samar. Dondon Cainto

Sa Eastern Samar, hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyo ang mga cottage ng isang resort sa Barangay Canjaway, Borongan.

Nakuhanan pa ng video ni Dondon Cainto ang paghampas ng malalaking alon sa mga cottage.

Na-wash out din umano ang maliliit na tulay papunta sa mga cottage.

Nasirang kalsada sa Lapinig, Northern Samar. Northern Samar News and Information

May nasira ring bahagi ng kalsada sa Barangay Lo-ok Proper sa bayan ng Lapinig, Northern Samar.

Sa mga retrato, makikita ang mga mahabang bitak sa Lapinig-Arteche Road, na resulta umano ng malakas na ulang dala ng bagyo.

Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan na may mga lugar pa rin sa lalawigan na lubog sa baha dahil malapit sa mga ilog pero wala namang isolated.

Libo-libong pamilya sa Bicol Region at Eastern Visayas ang lumikas nitong mga nakaraang araw dahil sa Bagyong Bising. Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansa na mag-landfall ito ngunit binalaan pa rin ang mga nasa eastern seaboard ng bansa sa maaaring epekto ng mga pag-ulan at hagupit ng hangin.

— May ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.