Libo-libong pamilya lumikas dahil sa Bagyong Bising | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libo-libong pamilya lumikas dahil sa Bagyong Bising

Libo-libong pamilya lumikas dahil sa Bagyong Bising

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 20, 2021 05:00 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Libo-libong pamilya na ang inilikas sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Sa Catanduanes, sinabi ni Governor Joseph Cua na higit 7,000 pamilya o higit 28,000 tao na nakatira sa mga peligrosong lugar ang inilikas.

"Hindi pa naman tayo nakaka-recover noong nakaraang bagyo, 'yong mga bahay nila hindi pa naaayos nang ganoon katibay kaya mas marami tayong evacuees ngayon kompara noong nakaraang taon," ani Cua.

Nagdulot umano ng mga pagguho ng lupa ang bagyo kaya hindi madaanan ang kalsada papasok at palabas ng Virac.

ADVERTISEMENT

Sa Camarines Sur, matinding sinalanta ng bagyo ang mga bayan sa silangang bahagi ng lalawigan, gaya ng Caramoan na katabi lang ng Catanduanes.

Higit 3,000 residente sa 18 coastal barangays ang inilikas sa Caramoan dahil sa banta ng storm surge.

Sa bayan ng San Jose, may kalsada kung saan isang lane lang ang maaaring daanan dahil sa landslide.

Lubog na rin ang ilang taniman at bahay sa bayan ng Lagonoy dahil sa pag-apaw ng 2 ilog.

Nasa 200 pamilya naman ang inilikas dahil nakatira sa mga peligrosong lugar sa Sagñay, kabilang ang ilang residente ng Barangay Nato na nawalan ng bahay matapos lamunin ng daluyong.

Nasira naman ang pansamantalang daanan ng mga residente ng Barangay Budiao sa Daraga, Albay matapos ragasain ng baha na galing sa Bulkang Mayon.

Hindi rin madaanan ang spillway sa Barangay Tanda Rosa sa Guinobatan dahil sa pag-apaw ng ilog.

Ayon sa Guinobatan local government, higit 6,000 tao ang inilikas nila dahil sa bagyo.

Nagdulot din ang bagyo ng pagbaha sa Jipapad at Palapag, Northern Samar.

Sa Catubig, 8 barangay ang lubog sa tubig matapos umapaw ang ilog.

Umapela ang mga residente ng tulong lalo't bukod sa wala silang kuryente ay wala rin silang mapagkuhanan ng tubig-inumin.

Isa naman ang naitalang patay sa Saint Bernard, Southern Leyte nang mabagsakan ng puno dahil sa bagyo.

Patay din ang isang babaeng nabagsakan ng niyog sa Hagonoy, Davao del Sur dahil sa malakas na hangin.

-- Ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.