Ilang lugar sa Samar binaha dahil sa Bagyong Bising | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Samar binaha dahil sa Bagyong Bising

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2021 12:24 PM PHT
|
Updated Apr 19, 2021 04:00 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Binaha nitong Lunes ang ilang lugar sa Samar Island bunsod ng ulang dala ng Bagyong Bising.

Sa bayan ng Jipapad sa Eastern Samar, umapaw ang mga ilog at umabot na hanggang ikalawang palapag ang tubig baha. Ilan din sa mga pasilidad ng munisipyo ang binaha.

Pinasok naman ng tubig baha ang ilang bahay sa bayan ng Gamay sa Northern Samar. Nagtungo na sa evacuation center ang mga apektadong residente.

Lubog din sa tubig baha ang ilang barangay sa bayan ng Catubig, Northern Samar. Ayon sa residente na si Rico De Asis, may ilang bahagi sa Poblacion na lagpas tao ang taas ng tubig baha.

Umaapela ngayon ng tulong ang mga residente gaya ng pagkain at tubig na maiinom.

Sa Barangay Cagogobngan sa bayan pa rin ng Catubig, nagmistulang karagatan ang palayan dahil sa baha. Gumamit na ng bangka ang ilang residente para makalabas ng bahay.

Samantala, sinuspinde naman ng mga lokal na pamahalaan ng Mapanas at Palapag sa Northern Samar ang klase at pasok sa trabaho dahil sa masamang panahon.

Base sa 11 a.m. weather advisory ng PAGASA, huling namataan si Bising 235 kilometro east-northeast ng Virac, Catanduanes o 360 kilometro east ng Daet, Camarines Norte. May lakas naman itong 195 kph at bugso na 240 kph.

Dagdag ng PAGASA, makakaranas ng malakas na pag-ulan nitong Lunes ang Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at northern portion ng Leyte.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy), eastern portion ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito), at eastern at central portions ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog) sa Luzon.

Nasa ilalim din ng signal number 2 ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran sa Visayas.

KAUGNAY NA BALITA
-- May ulat nina Ranulfo Docdocan at Sharon Evite
Read More:
Tagalog news
Regional news
Regions
Bagyong Bising
Typhoon Bising
BisingPH
Samar
Northern Samar
Eastern Samar
flooding
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT