Mga Pinoy hati sa pag-veto ni Duterte ng Sim Card Registration Act | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy hati sa pag-veto ni Duterte ng Sim Card Registration Act

Mga Pinoy hati sa pag-veto ni Duterte ng Sim Card Registration Act

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hati ang ilang mga Pinoy sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sim Card Registration Act.

Hindi lingid sa mga social worker na nakapanayam ng ABS-CBN News, ang pagkalat ng fake news sa social media at mga nai-scam gamit ang cellphone kaya nanghihinayang sila sa pag-veto ng pangulo sa panukalang batas.

"Isa sa mga problema natin ngayon 'yung mga trolls fake news siguro kung naging batas 'yun mas mapapabilis yung pag trace sa mga trolls, mga fake news spreader na nagkalat ngayon," ani Jazter Miras.

"Mas gusto ko rin kasi 'yun na nakaregister eh, easier to track especially kung 'yun nga may mga fake news or not even fake news 'yung mga nagagawa ng mga crimes using 'yung phones or social media 'yung numbers diba, ang dami daming ganon madami pa rin ang na-scam eh kung siguro po may ganon, easier sa authority na mahanap sila," dagdag ni Maribel Ardales.

ADVERTISEMENT

Pero para sa 25 anyos na si Cherish Antoni, tama lang ang ginawa ng pangulo.

"Kasi po yung sim card po natin personal uses po din natin 'yan lahat po ng mamamayan ngayon ginagamit po talaga cellphone so parang if ever po na mai-reregister po 'yan ang nangyayari po kasi sir malalaman po cp natin non," ani Antoni.

"Privacy din po kasi para sa mga mamamayan ng Pilipinas kung ire-register natin ang sim card, marami naman po ngayon na nagte-text ng fake news kaysa nanalo po ng P100,000 fake news po na sini-send po sa amin po," dagdag pa niya.

Sa ipinalabas na pahayag ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, sinabi ni Duterte na kailangan pa ang masusing pag-aaral sa panukalang batas dahil sa nakapalaman na social media provision.

Anila, Hindi kasama sa original version ng panukalang batas ang pagsama sa social media providers sa registration requirement.

Sa section 2 ng naaprubahang panukalang batas, inoobliga ng estado ang pagrehistro ng sim cards ng mga electronic devices at ang social media accounts ng mga gumagamit nito.

Sa section 4 naman, kailangan din ang pagrehistro ng sim card dahil prerequisite ito para sa pagbebenta ng card at activation nito.

Hindi nagustuhan ni Senate President Vicente "Tito" Sotto ang pag-veto ng pangulo.

Aniya, dahil dito magpapatuloy ang bombings at scams gamit ang mga prepaid sims.

"Ayos. Tuloy ang mga bombings and blackmail and scams using prepaid sims," ani Sotto.

Pero si House Deputy Minority Leader Carlos Zarate at si Senador Panfilo Lacson, pabor sa desisyon ng pangulo.

Ani Zarate, taliwas ang panukalang batas sa rights to privacy at free speech ng mga pilipino.

"We already pointed out that it would give government easy access to the people's sim card and acquire all the data on the subscriber that the telecommunications company may give," ani Zarate.

Sabi naman ni Lacson, malalabag ng panukalang batas ang konstitusyonal na karapatan ng isang pilipino.

"Mandating social media registration could be violative of the 'one subject one title rule' as defined under the 1987 constitution, not to mention the absence of safeguards or guidelines in the said provision not even covered by the title of the measure itself," ani Lacson.

Binati naman ni Senator Minority Leader Franklin Drilon ang mga troll farm, online bullies at fake news spreader.

"By vetoing this bill, the president lets trolls thrives, spread lies and hate and fuel discord and division,” ani Drilon.

Umaasa naman si Senador Grace Poe, sa kongreso na gagawa ng hakbang para muling ikonsidera ang panukalang batas para sa proteksyon ng mamamayan.

"Each day without the safeguards from the measure makes our people vulnerable to ripoffs that take away their money and cause them anxiety; the onslaught of cybercrimes and fake news that tear away the fabric of our democracy," ani Poe.

Sa kabila nito, ayon sa social media users gaya nina Jazter, Maribel at Cherish, may batas man o wala sa paggamit ng sim at social media, mapapangalagaan pa rin ang karapatan ng bawat pilipino kung magiging responsable lang ang bawat isa sa pagamit nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.