Magkasintahan nalunod sa ilog sa Cagayan noong Biyernes Santo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkasintahan nalunod sa ilog sa Cagayan noong Biyernes Santo

Magkasintahan nalunod sa ilog sa Cagayan noong Biyernes Santo

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 17, 2022 06:26 PM PHT

Clipboard

Biyernes tinangay ng malakas na agos ng tubig ang magkasintahan at natagpuan ang kanilang bangkay kinabukasan sa magkahiwalay na bayan. Courtesy: PNP Solana Cagayan 
Biyernes tinangay ng malakas na agos ng tubig ang magkasintahan at natagpuan ang kanilang bangkay kinabukasan sa magkahiwalay na bayan. Courtesy: PNP Solana Cagayan

Nalunod sa ilog ang magkasintahang teenager sa Barangay Basi East sa bayan ng Solana, Cagayan nitong Biyernes.

May edad 16 anyos ang babae habang 19 anyos naman ang lalaki.

Ayon sa Deputy Chief ng Solana Police Captain Jose Pagulayan, Biyernes nang umaga nang magpunta ang pamilya ng babae sa ilog para mag-picnic.

Isinama ang nobyo at nang maligo ang magkasintahan ay tinangay ng rumaragasang tubig ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Sinubukang sagipin ng isang residente ang dalawa pero dahil sa lakas ng agos ng tubig ay nahirapan ito.

Sa isinagawang search and rescue operation ng lokal na pamahalaan ay natagpuang palutang-lutang 10 a.m. ng Sabado ang bangkay ng babae sa ilog na sakop ng kalapit bayan ng Amulung sa Cagayan.

Natagpuan namang palutang-lutang ang bangkay ng nobyo alas-3:30 ng umaga ng Sabado sa ilog na sakop ng Barangay Natappian East sa bayan ng Solana.- Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.