Kotse yupi sa banggaan sa Las Piñas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotse yupi sa banggaan sa Las Piñas
Kotse yupi sa banggaan sa Las Piñas
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2021 06:40 AM PHT
|
Updated Apr 15, 2021 06:41 AM PHT

MAYNILA—Walang nasugatan sa mga nagmamaneho ng 2 kotse na nagbanggaan sa Daang Hari Road sa Las Piñas City Miyerkoles ng gabi.

Nayupi ang harapan ng hatchback na tumama sa likod ng isa pang kotse sa may traffic light sa lane mula Cavite papuntang Alabang-Zapote Road bandang alas-7:15 ng gabi.

Ayon kay Police Master Sgt. Rey Layosa ng traffic investigation unit, sinabi ng driver ng unahang sasakyan na si Reginaldo Romulo na nag-brake siya para maiwasan ang 2 sasakyan na tumigil sa harap nito, pero saka naman siya natamaan ng hatchback mula sa likod.

Sabi ng pulis, sinubukan pang umilag ng unahang kotse kaya gilid ng hatchback ang natamaan.

ADVERTISEMENT
Sinabi naman ng driver ng hatchback na si Mark Norhill na naka-go ang traffic light noon kaya nagulat siya noong tumigil ang sasakyan sa unahan.

Dinala sa talyer ang mga sasakyan matapos magkasundo ang 2 driver na sasagutin ang pinsala.

Sabi ng pulis, bihira ang mga banggaan sa naturang bahagi ng Daang Hari pero nagpaalala na maging alerto sa galaw ng mga kasabay sa kalsada.