'Higit 17,000 manggagawa nawalan ng trabaho sa loob ng 2 linggo' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Higit 17,000 manggagawa nawalan ng trabaho sa loob ng 2 linggo'

'Higit 17,000 manggagawa nawalan ng trabaho sa loob ng 2 linggo'

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 12, 2021 11:05 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Dalawang linggo nang tengga ang cook na si Nestor Datinginoo matapos isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at mga karatig-probinsiya dahil sa paglobo ng COVID-19 cases, na natapos na nitong Lunes.

"Dahil nga ako’y walang kita, nagtatiyaga na lang kami kung anong meron kami. Meron kaming sardinas sa bahay, 'yun na lang pagsasaluhan namin, lalagyan na lang namin ng isang noodles okay na. Pangtawid lang sa gutom para makaraos sa isang araw. Pagkatapos no'n, 'yung kinabukasan naman ang hahanapan namin," ani Datinginoo.

Sa maikling panahong ito, pakiramdam niya ay naulit ang naranasang kalbaryo noong isang taon nang mag-lockdown sa simula ng pandemya.

Ang construction worker naman na si Ariel Molledo, naghihintay ng ayuda sa barangay nang magsimula ang ECQ. Marami kasi siyang anak at baon na rin sa utang.

ADVERTISEMENT

"Nakikiusap na lang sa mga nauutangan, kung meron magbibigay. Eh sa ngayon kasi wala pa," aniya.

Sa monitoring ng Department of Labor and Employment (DOLE), mula Marso 29 hanggang Abril 11, umabot sa 17,329 ang nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment o permanent closure ng kompanya.

Sa bilang na ito, halos 80 porsiyento ang galing sa NCR Plus.

Pangunahing tinamaan ang mga nasa service activities, construction, transportation and storage, administrative and support services, at accommodation and food support services.

Pero kahit niluwagan na sa modified ECQ ang quarantine category sa NCR Plus, posibleng madagdagan pa ang mawawalan ng trabaho.

"Magtutuloy-tuloy po siguro ito kasi 'yung mga other services, it falls under the non-essential. Tapos 'yung sa dine in naman po allowed lang 50 percent pero outdoor po siya, eh karamihan naman po ng ating mga restaurants halimbawa 'yung mga nasa loob ng mall hindi pa rin sila puwedeng mag-accept ng dine in," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay.

Kaya isinusulong ng DOLE ang ilang programang pang-ayuda sa mga manggagawa. Nasa P52 bilyon ang hinihinging pondo ng DOLE para sa 3 buwang wage subsidy at P30 bilyon naman para sa emergency employment at cash assistance programs nila.

Sa ngayon ay tumatanggap pa rin ang DOLE ng aplikasyon para sa P5,000 cash assistance sa sektor ng turismo.

Pinalawak din ang coverage nito kaya kasama sa benepisyaryo ay mga manggagawa ng travel and tours company, hotel, airlines, wellness industry gaya ng mga spa at maging mga nasa transportasyon.

Nasa P1 bilyon pa ang natitirang pondo nito kaya humigit kumulang 200,000 manggagawa pa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ang maaaring makinabang.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.