Mga Pinoy na walang trabaho o kulang ang kita, lumobo muli dahil sa pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pinoy na walang trabaho o kulang ang kita, lumobo muli dahil sa pandemya

ABS-CBN News
Published Mar 30, 2021 08:13 PM PHT

MAYNILA — Isa sa mga natanggal sa trabaho bilang mananahi si Aling Nida, kaya napilitan siyang mangutang sa "5-6" para makapagtinda sa sidewalk sa Quezon City.
Pero ngayong may pandemya at nag-lockdown na naman, hirap na siyang pagkasyahin ang kinikita para sa pang araw-araw.

"Ngayon hindi po ako nakabayad ngayon sa bahay. Wala lockdown, walang kita," hinaing niya.

Isa lang si Aling Nida sa milyon-milyong Pilipino na walang trabaho.

Tumaas na naman kasi ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero dahil sa epekto ng hindi pa rin masawatang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT
Mula sa 4 milyong unemployed noong Enero, 200,000 agad ang nadagdag sa mga jobless nitong Pebrero.

Umabot na sa 8.8 percent ang unemployment rate sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, inaasahan na talaga nila ang pagtaaas ng unemployment rate sa bansa dahil marami pa rin mga kompanya o establisimyento ang nanatiling sarado o limitado lang ang operasyon.

Kabilang sa mga industriyang malubhang tinamaan ng pandemya ang accommodation and food services sector kung saan umabot sa 1.3 million ang bilang ng unemployed.
Dahil sa hirap ng buhay sa gitna ng pandemya, dumami rin ang mga Pilipinong naghahanap ng pandagdag kita para sa pang araw-araw na gastusin.

Ang underemployment rate, umakyat sa 18.2 percent noong Pebrero mula 16 percent noong Enero. Katumbas ito ng 7.9 milyong tao.

Hindi pa kasama sa datos ang epekto ng panibagong ECQ sa NCR Plus.

Siniguro naman ng economic managers na hindi sasayangin ng gobyerno ang pagpapatupad muli ng ECQ sa Metro Manila at kalapit ng mga probinsya…

—Ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News
—Ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
unemployment
underemployment
jobs
jobless Pinoy
hanapbuhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT