ALAMIN: Tips para makaiwas sa bungang-araw, pigsa sa tag-init | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips para makaiwas sa bungang-araw, pigsa sa tag-init

ALAMIN: Tips para makaiwas sa bungang-araw, pigsa sa tag-init

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabala ang mga doktor sa publiko laban sa mga sakit sa balat at iba pang sakit na maaaring makuha ngayong tag-init.

Isa sa mga nangungunang sakit sa balat tuwing tag-init ay ang bungang-araw na, ayon sa dermatologist na si Elizabeth Prieto, dulot ng pagkakakulob ng init sa katawan bunsod ng panahon at madalas na pagpapawis.

Isang paraan na ipinayo ni Prieto kontra bungang-araw ay ang "starch bath."

Maglagay ng isang tasang gawgaw sa isang timbang tubig at ito ang gamiting panligo.

ADVERTISEMENT

Bukod sa bungang-araw, uso rin tuwing tag-init ang sunburn, pigsa, impetigo o mamaso, at mga impeksiyong dulot ng mga virus at fungus.

Para maiwasan ang mga ganitong sakit, payo ni Prieto'y ugaliing maligo para lumamig ang temperatura ng katawan.

Kapag maliligo naman sa beach ay huwag kalimutang maglagay ng sun screen o sunblock.

Dagdag pa ni Prieto, huwag magbabad sa ilalim ng init ng araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ayon naman sa Department of Health, bukod sa sakit sa balaat, mataas din tuwing tag-init ang tiyansang magkaroon ng ubo, sipon, at heat exhaustion o labis na pag-init ng katawan.

Dapat bantayan lalo na ang mga matatanda dahil posible silang maging biktima ng heat exhaustion o heat stroke, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Pinag-iingat din ni Duque ang publiko sa pag-inom ng tubig. Tiyakin daw na malinis ito para makaiwas sa mga sakit sa tiyan.

Mainam din aniyang alagaan ang hygiene o kalinisan sa katawan at iwasang magpuyat para lumakas ang resistensiya.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.