Bakit nagkakaroon ng bungang-araw? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit nagkakaroon ng bungang-araw?

Bakit nagkakaroon ng bungang-araw?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2020 04:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ang bungang-araw sa mga karaniwang iniindang sakit sa balat tuwing panahon ng tag-init.

Ipinaliwanag ni Cory Quirino sa kaniyang programang "Ma-Beauty Po Naman" sa DZMM, ang kadalasang sanhi ng bungang-araw o prickly heat.

"Nagkakaroon ng bungang-araw kapag ang sweat glands ay nahaharangan... in short, overactive ang sweat glands. Ang nagiging resulta ay mapula at makating rash sa balat."

Dagdag ni Quirino, maiiwasan ang bungang-araw kung iiwas din sa mga lugar na maiinit.

ADVERTISEMENT

"Manatili sa well-ventilated, ibig sabihin may sirkulasyon ang hangin, sa lugar na pinupuntahan niyo," aniya.

Makatutulong din kung magsusuot ng maluwag at preskong pananamit.

Kapag naligo rin, magandang gumamit lang ng mild soap.

Iwasan na ring gumamit ng lotion dahil lalo nitong palalagkitin ang katawan at mahaharangan din lalo ang sweat glands.

Para naman maibsan ang pangangati sa katawan dahil sa bungang-araw, inirekomenda ni Quirino ang isang homemade na pamahid.

"Maglagay ng isang kutsarang baking soda sa isang baso ng malamig na tubig. Ihalo ang solusyon kasama ang yelo. Gumamit ng bimpo at ilubog sa ginawang solusyon, idampi sa parte ng katawan na may rash," payo ni Quirino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.