'Di pagpapatuli, maaaring magdulot ng kanser? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Di pagpapatuli, maaaring magdulot ng kanser?

'Di pagpapatuli, maaaring magdulot ng kanser?

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 10, 2019 03:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Editor's Note: May mga tinatalakay na sensitibong paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.


Maituturing na "rite of passage" para sa mga kalalakihan ang pagpapatuli, o pagtatanggal ng foreskin sa ari ng lalaki, bago ito maging teenager, o kaya ay habang sanggol pa ito.

Pero may mga hindi nagpapatuli, na umano ay maaaring magdulot ng samu't saring sakit. Pero maaari nga ba itong magdulot ng kanser?

Ayon sa urologist na si Joseph Lee, ang pagkakaroon ng kanser ang pinakamalubhang maaaring mangyari sa hindi pa tuli na lalaki.

Paliwanag ni Lee, maaaring magkaroon ng smegma o pag-iipon ng mga bakteria, libag sa foreskin ng isang lalaki na hindi pa natatanggal - na maaari raw magdulot ng kanser kapag hindi naagapan.

ADVERTISEMENT

"Kung matagal na nagtatago sa area na naka-expose ang glans penis, may tendency na maaaring magdulot siya ng penile cancer, maaaring maipon ang bacteria ... kasi puwede 'yan maging medium for growth," aniya sa "Good Vibes" ng DZMM.

Kapag daw kasi may sobrang foreskin ang ari ng isang lalaki ay maaaring pamahayan ito ng mga bacteria at iba pang mga discharge na maaaring pagmulan pa ng ibang sakit.

"Minsan kasi pag sinasabi na may excessive foreskin maaaring (magdulot) ng bacteria infection, discharge na naiipon, bacterial infection na maaaring pagmulan ng diseases," ani Lee.

Ayon naman sa urologist, wala naman sa edad ang pagpapatuli basta aniya maaari nang simulan ang pagtutuli kung makita na naire-retract o naibabalik nang patalikod ang foreskin ng ari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.