Di pagpapatuli, maaaring 'mauwi sa komplikasyon sa ari, pagtatalik' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di pagpapatuli, maaaring 'mauwi sa komplikasyon sa ari, pagtatalik'

ABS-CBN News
Published Apr 30, 2018 06:07 PM PHT
|
Updated Apr 30, 2018 07:30 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Karaniwang ginagawa ang circumcision o ang pagtutuli bago maging teenager ang isang lalaki, o kaya ay habang sanggol pa ito.

Gayunman, mayroong ilang lalaking hindi na nagpapatuli dahil na rin sa kanilang kultura o kaya naman ay dahil sa personal na dahilan.

Iyon nga lang, dapat handa ang mga lalaking hindi nagpatuli sa maaaring komplikasyon ng pagiging uncircumcised sa mismong ari at sa pakikipagtalik, ayon sa isang doktor.

"'Phimosis' [medical condition] means hindi mo ma-retract 'yong foreskin o 'yong extra balat from the head of the penis... dapat kasi kapag nagtatalik, 'yong head ng penis ang importante for a good penetration, walang istorbo, dapat wala 'yong foreskin," paliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

ADVERTISEMENT
Aniya, bukod sa hindi nahahatak ang sobrang balat sa ari ng lalaki, puwede ring "mangamatis" ang aring hindi natuli.

"Kapag namaga 'yong glans, ulo, head ng penis, ang tawag po doon ay 'balanitis'— kapag namaga po 'yan tapos nandoon 'yong balat, pa'no na, sobra pa sa kamatis 'yan," sabi ni Marquez.

Paliwanag pa ng doktor, kahit hindi magkaroon ng phimosis at balanitis ang lalaking hindi natuli, dapat pa rin niyang linisin nang mabuti ang kaniyang ari para hindi mamuo ang dumi dito.

"[Para sa] hygiene, extra balat 'yan, kailangan ay nililinis 'yan. Kasi mayroon, kung hindi 'yan nilinis ng lalaki the whole day, hindi siya tuli, mayroong 'cheese' na nangongolekta sa loob... ang baho no'n, puwedeng tubuan ng bacteria," ani Marquez.

Paliwanag pa ng doktor, lumalaki ang tsansang dapuan ng human immunodeficiency virus (HIV) at human papillomavirus (HPV) ang mga lalaking hindi tuli.

Mahirap pa nito'y puwede itong maisalin ng lalaki sa kaniyang partner sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Nauuwi sa acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ang HIV kapag hindi natugunan ng antiretroviral therapy, habang nagdudulot ng iba't ibang komplikasyon tulad ng genital warts at cervical cancer ang HPV.

"Ang danger po na hindi tuli, love po siya ng HIV at HPV... circumcision will decrease the incidents of HPV, both sa lalaki at sa babae," sabi ni Marquez.

"May pag-aaral na kapag hindi ka agad nagpatuli... magkakaroon ka later on ng premature ejaculation or erectile dysfunction."

Base sa datos na mayroon si Marquez, 90 porsiyento ng kalalakihan sa Pilipinas ay nagpapatuli.

Malaki ang bilang na ito kung ikukumpara sa ibang bansa na mas mababa ang porsiyento ng nagpapatuli, tulad sa Australia (59 porsiyento), South Africa (35 porsiyento), at United Kingdom (6 porsiyento).

Ayon kay Marquez, kahit may edad na ang lalaki ay puwede pa rin naman siyang magpatuli, iyon nga lang ay pihadong mas magiging masakit ito para sa kaniya.

"Kahit adult na siya, nagpa-circumsize pa siya. Ang sakit kaya no'n. Mas maraming anaesthesia'ng magagamit, mas matagal ang pag-heal, at mas mahal."

"How is circumcision done? 'Yong foreskin po, 'yong balat, hinahatak po sa shaft ng penis para ma-expose ang head ng penis tapos 'yong sobrang balat o excess foreskin kini-clip siya para matanggal o mahiwalay para ma-expose ang head o glans ng penis," paliwanag ni Marquez sa proseso ng pagtutuli.

Puwede ring mamili ang mga lalaki sa iba't ibang "gupit" ng pagtutuli tulad ng dorsal slit, v-cut, at German cut.

Paalala niya naman sa mga magulang ng mga batang lalaking magpapatuli, dapat dalhin ang bata sa doktor at huwag ipaubaya lang sa nakagawian sa ibang probinsiya na "de-pukpok" at sabay "duduraan ng nanguyang dahon ng bayabas."

Iwasan ding paglanguyin ang bata sa ilog at iba pang anyong tubig sa paniniwalang mas maghihilom ang sugat sa ganitong paraan.

"Baka po 'yong ilog na tatalunan mo ay hindi na malinis, polluted na... just go to the doctor at diyan na magpatuli."

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Private Nights
Dr. Lulu Marquez
kalusugan
sexual health
circumcision
tuli
pagpapatuli
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT