TIPS: Mga dapat gawin kung may magpositibo sa COVID-19 sa bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Mga dapat gawin kung may magpositibo sa COVID-19 sa bahay

TIPS: Mga dapat gawin kung may magpositibo sa COVID-19 sa bahay

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Mahalagang planuhin ang magiging galawan sa bahay kapag ang isang kaanak o buong pamilya ang dinapuan ng COVID-19.

Viral ngayon sa social media ang post ng COVID-19 survivor na si Kabbie Rodriguez Alipio kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pag-asang makatulong sa iba.

Nitong Marso ay buong pamilya niya ang nakaroon ng COVID-19.

Ayon kay Alipio, unang nakaramdam ng sintomas ang kanyang asawa, na kalaunan ay nagpositibo. Sumunod na siya at ang iba pa nilang kasama sa bahay.

ADVERTISEMENT

"What do we do about the kids? Do I need to get my kids tested also? Sabi ng pedia — no need... Kasi kung ikaw nag-positive, most likely positive na rin kids mo... Treat them as COVID positive, watch out for symptoms," sabi ni Alipio.

Payo ni Alipio, kapag may miyembro ng pamilya na nakaramdam ng sintomas i-isolate na agad, magsuot ng mask sa bahay, at i-assume na positibo na kahit walang test.

Mahirap sa mga maliliit na bahay pero dapat nakaplano na ang hiwalay na espasyo.

Hindi raw nila ito nagawa agad habang hinihintay ang test result ng asawa noon hanggang sa siya at mga kasama sa bahay ay nakaramdam na rin ng sintomas.

Dagdag pa ni Alipio, mahalaga na mayroong pang-check ng temperatura, oximeter para ma-check ang oxygen level, at malaman kung kailangan na bang tumakbo sa ospital.

Vitamins, gamot, mga prutas at masusutansiyang pagkain, at mga paper plate ang ginamit nila para diretso tapon na ang kinainan.

Mahalaga rin na mag-set up ng tinatawag niya na command center o listahan ng mga kamag-anak o kaibigan na makakatulong sakaling magkaproblema.

Sa ngayon, magaling na ang buong household ng pamilya ni Alipio.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.