TIPS: Self-isolation sa bahay kung mild case lang ng COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Self-isolation sa bahay kung mild case lang ng COVID-19

ABS-CBN News
Published Apr 07, 2021 09:36 PM PHT

MAYNILA — Marami sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang itinuturing lang na mild case at sa bahay lang nag-isolate at nagpagaling.

Kabilang na rito ang singer na si Angeline Quinto na wala namang matinding sintomas na iniinda.

"Yung first 2 to 3, days halos umiiyak ako araw-araw... Wala ako makausap na personal. Lahat (sa) cellphone lang, video call lang," aniya.

Ayon kay Quinto, gusto niyang ibahagi sa iba ang mga natutunan para makatulong sa ibang mga naka-isolate sa bahay.
Naisip niyang gumawa ng paalala hango sa palayaw niya na "ANGGE."

- A - Always check ng temperature at ugaliin ang proper hygiene
- N - No to stress at bawasan ang pag-iisip
- G - Get enough sleep and rest, o magpahinga
- G - Get in touch with a doctor, o parating komunsulta sa mga medical professional
- E - Eat healthy at exercise

"Di ako kumakain ng healthy foods nun. Di ako mahilig sa prutas at gulay. [Pero] walang choice, kailangan ng resistensya ko. At wag kakalimutan ang pagdarasal," payo pa ng mang-aawit.

Ayon sa internal medicine specialist na si Dr. Paolo Borja, mahalaga na sa bahay na lang magpagaling ang mga mild cases, lalo’t punuan ang mga ospital ngayon para sa mga moderate to severe cases.

Payo niya, magpahinga sa bahay, uminom ng maraming tubig, kumain ng masustansya, lalo’t kailangan makabawi ang resistensya.

"Immuno-boosters, multi vitamins. Zinc syrup to boost immune system. May studies na nakakatulong ito sa viral infection... Avoid strenuous activities. We want your body rested."

Iwasan ding lumabas sa kwarto o bahay kung saan naka-isolate. Hindi lang para sa iba na puwedeng mahawa, kundi para makaiwas na lumala pa ang kondisyon.

"When you go out, it's not just the others na niri-risk mo. Yung sarili mo rin. May tinatawag tayong super infection. Pwede ka madapuan dahil mababa resistensya mo. Madadapuan ka ng ibang infection, bacterial, o flu. At 'pag nahaluan pa ito ng COVID-19, definitely lalala ang iyong status," ani Borja.

Ayon pa kay Borja, mahalaga na may bukas na komunikasyon parati sa isang doktor o health professional.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV PATROL
TV PATROL TOP
COVID-19
coronavirus
isolation
Paolo Borja
Angeline Quinto
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT