Paggamit sa ilang hotel bilang COVID-19 treatment facility hiniling | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paggamit sa ilang hotel bilang COVID-19 treatment facility hiniling

Paggamit sa ilang hotel bilang COVID-19 treatment facility hiniling

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umapela ang grupo ng mga doktor kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagang gamitin ang ilang hotel sa Metro Manila para mabawasan ang mga pasyenteng may COVID-19 sa mga ospital.

Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) Vice President Maricar Limpin, ang paghahanap sa ospital kung saan puwedeng madala ang isang pasyente ay lalong nakapagpapalala sa sitwayson nito.

"May kakilala ako mismo from Quezon City umabot hanggang Parañaque. Pagdating sa Parañaque, namatay na," sabi ni Limpin.

"Ang pinaka-primary concern namin ay kung saan natin mailalagay 'yong mga pasyente, paano natin matutulungan kasi kailangan nilang ma-admit sa ospital," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Tingin ng PCP ay halos walang nagche-check in sa mga hotel.

Handa rin umano ang grupo ng mga doktor na tumulong sa pamahalaan kung paano maisasagawa ang paggamit sa mga hotel bilang hospital facility.

Sang-ayon naman sa panukala ng PCP si isolation czar Mark Villar.

"Siguro puwede 'yon sa mga mayroon mild symptoms pero para sa mga moderate to severe kailangan talaga ng hospital facility," ani Vilar.

Halos mapuno na ng pasyente ang intensive care units (ICU) ng 14 sa 21 ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ICU bed sa mga naturang ospital ay nasa critical level na o halos 100 porsiyento nang puno.

Halos 80 porsiyento naman nang okupado ngayon ang mga isolation bed sa Metro Manila, ani Vergeire.

May mga kama pa naman daw sa mga level 1 hospital at kaya pang tumanggap ng pasyente.

Nilinaw ni Vergeire na severe and critical cases ang dapat nasa ospital habang ang mga mild to moderate ay sa isolation facilities.

"Ang rekomendasyon po namin ay makapagpatingin muna sila so we have these providers for telemedicine," ani Vergeire.

Pagdating naman sa isolation facility, 75 porsiyento na ang occupancy ng mga ito sa Metro Manila.

Pinabulaanan naman ni Villar, na siyang ring Department of Public Works and Highway secretary, na atrasado ang hakbang ng pamahalaan sa pagtatayo ng isolation facilities.

"Nasimulan pa ito noong November in an anticipation of a possible surge," aniya.

Nitong Martes, binuksan na ang 110 modular hospital beds sa bakanteng lote sa Quezon Institute sa Quezon City.

Sa Makati, ayon kay Mayor Abby Binay, maaari nang tumanggap muli ng COVID-19 patients ang 4 na quarantine facilities na in-upgrade ng lokal na pamahalaan.

May 3 pasilidad sa Pembo Elementary School at may isa sa parking area ng Ospital ng Makati.

Bawat quarantine site ay may 14 na kama, sanitation at disinfection areas, testing box at iba pang emergency equipment.

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.