Gobyerno magtatayo ng dagdag na isolation facilities | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gobyerno magtatayo ng dagdag na isolation facilities

ABS-CBN News
Published Apr 05, 2021 05:57 PM PHT
|
Updated Apr 05, 2021 07:22 PM PHT

Magtatayo ng dagdag na isolation facilities ang pamahalaan bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa at dahil punuan ang mga ospital.

"There are now plans to build mobile tents, ICU (intensive care unit) facilities of up to 200 beds," sabi ngayong Lunes ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

"We're doing what other countries did at the height of their own pandemics, we're relying now on mobile hospitals," dagdag ni Roque.

Ayon kay Roque, nagtayo ang pamahalaan ng 110-bed capacity quarantine facility sa Quezon Institute sa Quezon City, na magsisilbing extension ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

Nakatakda rin aniyang dagdagan nang 160-bed capacity ang Tala Hospital sa Caloocan.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), magdadagdag na rin sila ng triage areas sa mga local government unit (LGU), kung saan maaaring magpakonsulto muna ang mga positibo sa COVID-19 para hindi mapuno ang mga ospital.

Kalimitan kasi sa mga naka-admit ngayon ay may mild symptoms o walang nararamdamang sintomas.

"Kailangan may mag-a-assess muna sa mga local government... Sasabihin kung para sa ospital ba ang kaso o dito namin kayo ilalagay sa quarantine facilities," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa huling update ni isolation czar Mark Villar sa mga kongresista noong nakaraang linggo, 61.8 porsiyento na ang occupancy rate ng mga isolation facility sa Metro Manila at 15 porsiyento sa buong bansa.

Sasaklolo na rin ang Philippine Red Cross sa Metropolitan Manila Development Authority at mga mayor sa National Capital Region upang magtayo ng dagdag na isolation facilities sa piling pampubliko at pribadong eskuwelahan.

Maglalagay doon ang Red Cross ng mga doktor, nars at ambulansiya na susundo sa mga pasyente mula sa kanilang bahay patungo sa itatayong pasilidad.

Ang LGU umano ang pipili kung saan eskuwelahan itatayo at magbibigay ng pagkain sa mga pasyente.

Matapos ang pulong noong Biyernes, umabot na sa 6 na LGU ang kukuha ng tulong mula sa Red Cross.

Umapela rin si MMDA Chairman Benhur Abalos na kung sakaling magpositibo sa COVID-19 at na-expose ang mga kasama sa bahay, imbes na dumeretso sa ospital, mas mainam na magkusa nang kontakin ang barangay health workers upang matukoy kung ano ang dapat gawin at nang hindi na makahawa pa sa iba.

Lumagpas na sa 800,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Lunes.

Ayon sa DOH, nakapagtala sila ng 8,355 dagdag na COVID-19 cases, dahilan para umakyat ang kabuuang bulang sa 803,398.

Sa bilang na iyon, 143,726 ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
isolation facilities
Harry Roque
Philippine Red Cross
Department of Health
Covid-19
Covid-19 surge
Covid-19 bed capacity
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT