Mga provincial bus makakadaan sa EDSA sa Semana Santa: MMDA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga provincial bus makakadaan sa EDSA sa Semana Santa: MMDA

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2023 11:12 AM PHT
|
Updated Mar 31, 2023 12:01 PM PHT

MAYNILA — Papayagan ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA sa Semana Santa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Biyernes.

Makakadaan sa EDSA ang provincial buses mula 10 p.m. hanggang 5 p.m. sa Abril 3 hanggang 5, at buong araw naman sa Abril 6 hanggang 10, ayon sa MMDA.

Hihinto sa Cubao, Quezon City terminals ang mga provincial buses mula sa North Luzon, habang sa Pasay City terminals naman ang hinto ng mga bus galing South Luzon, dagdag ng ahensya.

Ayon sa MMDA, pinayagan nitong dumaan sa EDSA ang provincial buses upang matiyak ang kaginhawaan ng mga pasaherong uuwi sa mga probisya sa Holy Week.