ALAMIN: Bakit gusto ng mga alkalde na 'in kind' ang ayuda kaysa pera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit gusto ng mga alkalde na 'in kind' ang ayuda kaysa pera

ALAMIN: Bakit gusto ng mga alkalde na 'in kind' ang ayuda kaysa pera

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Ipinaliwanag ng isang alkalde kung bakit gusto ng Metro Manila mayors ang pagbibigay ng "in kind" na ayuda imbes na cash katulad ng ginawa noong unang enhanced community quarantine noong 2020.

Sabi sa TeleRadyo ni Parañaque mayor at Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez, ito ay para umano makaiwas sa korapsyon at mas makakatipid ang local government unit (LGU).

Aniya, mas makakamura daw kung direkta silang bibili ng produkto sa manufacturers para mas mababa ang presyo.

"Ida-download ang pera, bibili ang LGU ng goods, tapos ibibigay po sa mga tao po 'yun. Kapag po ganoon po, sufficient na po 'yan. Kapag po P4,000 per household, napakaganda po niyan," ani Olivarez.

ADVERTISEMENT

Ilalatag din umano ng MMC kung anong mga produkto ang isasama sa in-kind na ayuda.

"Kailangan po natin ng bigas. Kailangan po natin ng de-lata. Kailangan po natin ng noodles. 'Yun pong basic lang po ang ibibigay. So 'yan po ay pagkakasunduan namin sa MMC, kung anong specific na items," sabi ni Olivarez.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na mas pinili ng mga alkalde ang in-kind dahil napunta lang umano sa bisyo tulad ng sugal ang iba sa dating ayuda.

Gayunpaman, ilang netizens ang nagpahayag ng pagkabahala sa naturang opsyon dahil mataas umano ang tsansa nitong magkaroon ng "kickback", lalo't nasa LGU ang kapangyarihan.

"So eto na nga. Busog nanaman sila sa overpricing, habang ang taumbayan magtitiis sa noodles at delata," ayon sa isang Twitter user.

"Wow. In kind. Imagine the "kickback" (Weary face) Kakapanghina," ayon pa sa isa.

Tatagal ang ECQ sa Metro Manila at ilang karatig-probinsya, o NCR Plus, hanggang Abril 4, pero posible pa itong palawigin ayon sa Palasyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.