4 aksidente sa NLEX sa simula ng biyahe para sa Semana Santa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 aksidente sa NLEX sa simula ng biyahe para sa Semana Santa

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2018 08:52 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2018 10:16 PM PHT

Hindi bababa sa apat ang naitalang aksidente nitong Miyerkoles Santo sa North Luzon Expressway (NLEX), kasabay ng pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa naturang daanan para sa Semana Santa.

Dalawa ang naitalang sugatan sa pagkarambola ng walong sasakyan malapit sa Dau Toll Plaza sa may Pampanga, ayon sa pamunuan ng NLEX.

Isang closed van naman ang tumagilid malapit sa Angeles Toll Plaza at isa rin sa may Pulilan, Bulacan.

Dalawa naman ang sugatan sa isang aksidente ilang metro mula sa Balintawak Toll matapos sumalpok ang isang closed van sa 10-wheeler truck.

Mabilis tumugon ang mga patrol ng NLEX pero hindi naiwasang magkaroon ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa mga pinangyarihan ng mga aksidente.

SANHI NG AKSIDENTE
Ayon sa pamunuan ng NLEX, karaniwang sanhi ng mga aksidente ay driver's error o pagkakamali ng mga nagmamaneho.

Hindi kasi nagpapanatili ng safe breaking distance ang mga motorista sa mga sinusundang sasakyan.

Mayroon ding mechanical error tulad ng hindi pagkagat ng brake.

Maaari umanong maiiwasan ang mechanical error kung susuriin ang mga sasakyan at ipaaayos ang mga problemang makikita bago bumiyahe.

Light to moderate naman ang daloy ng mga sasakyan sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) at walang build-up o pagsikip sa mga toll booth doon.

May pagsikip naman sa mga toll booth ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) pero tuloy-tuloy naman ang andar ng mga sasakyan.

SLEX
Sa South Luzon Expressway (SLEX), ramdam na rin ang pagdami ng mga biyaherong lumuluwas papuntang Southern Luzon at Visayas.

Napuno ng mga sasakyan at pamilyang nagbabakasyon ang mga gasolinahan.

Dumagsa rin ang mga motorista sa ilang talyer para ipasuri ang kanilang mga sasakyan bago isabak sa mahabang biyahe.

Ayon kay Marlene Ochoa ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure, ang nangangasiwa sa SLEX, mas mainam para sa mga motorista na gumamit ng RFID bilang alternatibong paraan ng pagbayad sa mga toll.

"Ine-encourage natin ang lahat ng motoristang dumadaan dito na mag-enroll sa RFID... it saves time with the transactions," ani Ochoa.

Inaasahan ang patuloy na pagtaas ng volume o dami ng mga sasakyan sa mga expressway hanggang Huwebes.

Sa Biyernes Santo pa inaasahang bababa ang bilang mga sasakyan sa mga expressway pero muli umano itong tataas pagsapit ng Abril 1 at Abril 2 kasabay ng pagbabalik ng mga nagbakasyon sa labas ng Kamaynilaan.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Semana Santa
SemanaSanta2018
Semana Santa 2018
Holy Week
Holy Week 2018
NLEX
SLEX
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT