Mount Apo trail sa Sta. Cruz, Davao del Sur, sarado sa buong Semana Santa 2023 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mount Apo trail sa Sta. Cruz, Davao del Sur, sarado sa buong Semana Santa 2023

Mount Apo trail sa Sta. Cruz, Davao del Sur, sarado sa buong Semana Santa 2023

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 25, 2023 06:32 PM PHT

Clipboard

Larawan mula sa Sta. Cruz Tourism Office
Larawan mula sa Sta. Cruz Tourism Office


Muling isasara ng lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz sa Davao del Sur ang kanilang trail patungo sa Mount Apo ngayong Semana Santa.

Inanunsyo ng Sta. Cruz Tourism Office na sarado ang kanilang Mount Apo trail simula Abril 3 hanggang Abril 9, 2023.

Itinuturing na peak season sa mga climber ng Mount Apo ang Semana Santa.

Ayon kay Municipal Tourism Officer Julius Paner, magsasagawa sila ng cleanup drive at monitoring para mapanatili ang kalinisan at natural na ganda ng Mount Apo.

Taon-taon nang isinasara ng Sta. Cruz LGU ang kanilang Mt. Apo trail tuwing Semana Santa simula 2017 para maiwasan na rin ang wildfire.

Matatandaang Semana Santa ng taong 2016, isang malaking sunog ang sumiklab sa Mount Apo.

Nilinaw naman ng LGU, na bukas ang iba pang Mount Apo trail sa Davao del Sur at Cotabato province sa Holy Week.

— Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.