Sunog sa Mt. Apo, patuloy ang pagkalat | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sa Mt. Apo, patuloy ang pagkalat
Sunog sa Mt. Apo, patuloy ang pagkalat
ABS-CBN News
Published Apr 05, 2016 09:19 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagkukumahog pa rin ang mga awtoridad para apulahin ang sunog sa Mount Apo.

Samantala, apat na insidente rin ng forest fire ang naitala sa bahagi ng Mount Nacaulu sa Bukidnon.

Isang linggo na mula nang sumiklab ang sunog sa Apo pero gumagapang pa rin ito papunta sa isang century tree, ang pinakamatandang puno at landmark sa bundok.

Puspusan ang pagbuhos ng chopper ng Air Force ng tubig sa nasusunog na bahagi ng bundok.

ADVERTISEMENT
Tuluy-tuloy rin ang paggawa ng fire line.

Pero nagrereklamo ang ilang volunteer na hindi umano magampanan ang kanilang trabaho dahil pinabababa agad sila sa bundok pagkalipas ng dalawang oras.

Hiling nila, maglagay ng campsite malapit sa gagawing fireline.

Nanawagan din ng dagdag na volunteers ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Apat na forest fire naman ang naitala sa Kitanglad range sa Bukidnon.
Apat na forest fire naman ang naitala sa Kitanglad range sa Bukidnon.
ADVERTISEMENT
Kumakalat ito sa bahagi ng Mt. Nacaulu.
Kumakalat ito sa bahagi ng Mt. Nacaulu.
Todo-kayod din ang mga awtoridad sa pagpatay sa sunog lalo't nasa mountain range ang water shed ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Tahanan din ito ng Philippine eagle at iba pang uri ng hayop.

- Umagang Kay Ganda, 5 Abril 2016
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT