COVID-19 cases inaasahang mababawasan dahil sa mas mahigpit na GCQ | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 cases inaasahang mababawasan dahil sa mas mahigpit na GCQ

ABS-CBN News
Published Mar 22, 2021 06:52 PM PHT

Umaasa ang gobyerno na mababawasan nang 25 porsiyento ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa bilang resulta ng mga dagdag na quarantine restriction na ipinatupad sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, sabi ngayong Lunes ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

"We're estimating that with these measures and at the end of the 2-week period, that the numbers would drop by at least 25%, but we’re hoping for more," ani Roque.

"Ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember, two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards," dagdag niya.

Simula ngayong Lunes, isinailalim sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal pero may mga dagdag umanong paghihigpit. Iiral ito hanggang Abril 4.

ADVERTISEMENT
Paulit-ulit na iginiit ng Malacañang na hindi lockdown ang nangyayari pero tanging essential travel lang ang papayagan sa loob at labas ng tinawag na "NCR Plus" bubble.

Tanging ang mga authorized person outside of residence (APOR) ang papayagang bumiyahe gayundin ang mga overseas Filipino worker (OFW) na patungong abroad, returning OFWs, health at emergency personnel, at government officials.

Wala namang pagbabawal pagdating sa mga biyahe sa loob ng bubble.

Sa loob ng bubble, bawal din ang lahat ng mass gatherings pati religious gathering.

Papayagan naman ang kasal, binyag at libing pero hanggang 10 tao lamang ang maaaring dumalo.

Bawal ding kumain sa loob ng cafes at restaurants pero puwede naman ang outdoor o al fresco dining na hanggang 50 porsiyento ng venue capacity ng kainan.

Magkakaroon din ng common curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Bawal ding lumabas ang mga may edad 17 pababa at 66 pataas pati na mga immunocompromised, may comorbidities at iba pang health risks maliban na lang kung kukuha ng essential goods at pupunta sa trabaho.

Samantala, papayagan din ang operasyon ng mga gym ng hanggang 75 porsiyentong operating capacity at spa hanggang 50 porsiyentong capacity.

Sa kabila ng mga paghihigpit, walang aasahang ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa, ani Roque.

"Hindi naman po natin pinipigil magtrabaho ang ating mga kababayan eh. Hindi na po tayo dapat magbigay ng ganoong ayuda dahil puwede pong maghanapbuhay ang lahat," ani Roque.

Tinanggi naman ng Palasyo na ang rason kung bakit ayaw ibalik ng gobyerno ang Metro Manila sa mas mahigpit na lockdown ay dahil wala na itong ayudang maibigay sa publiko.

Pero iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas epektibo na rin ang pagpapatupad ng localized lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng virus nang hindi sinasakripisyo ang kabuhayan ng mga manggagawa.

Nauna nang iginiit ng Malacañang na hindi na kakayanin ng ekonomiya ng bansa ang pagbabalik sa mga mas mahigpit na lockdown, tulad ng enhanced community quarantine.

Nitong Lunes, nakapagtala ang Department of Health ng 8,019 dagdag na COVID-19 cases, ang pinakamataas na single-day tally mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Dahil dito, umakyat sa 671,792 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 80,970 ang active cases o may sakit pa rin.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
general community quarantine
NCR Plus
NCR Plus bubble
GCQ bubble
Covid-19
coronavirus disease
Covid-19 surge
MMDA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT