Pasahe sa barko sa Batangas Port tumaas dahil sa mahal na krudo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pasahe sa barko sa Batangas Port tumaas dahil sa mahal na krudo

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Mar 17, 2022 12:57 PM PHT
|
Updated Mar 17, 2022 01:14 PM PHT

Nagpatupad ng taas-pasahe ang ilang operator ng mga pampasaherong barko bunsod ng patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.

Simula noong Martes, tumaas nang 20 porsiyento ang pasahe sa rolling cargo at pasahe ng Starlite Ferries.

Ang Starlite Ferries ay may ruta mula Batangas Port patungong Mindoro, Romblon, at mga probinsiya sa Visayas at Mindanao.

Sampung porsiyento naman ang itinaas ng pamasahe ng Montenegro Shipping Lines, epektibo noong Marso 1.
Sampung porsiyento naman ang itinaas ng pamasahe ng Montenegro Shipping Lines, epektibo noong Marso 1.
ADVERTISEMENT
Marso 16 naman tumaas ang pasahero ng Montenegro sa kanilang rolling cargo.

Humihingi rin ang Montenegro ng P20 taas-presyo sa pasahe ng kanilang biyahe mula Mabini, Batangas patungong Tingloy Island.

Mula P100, P120 na ang pamasahe sa MV Viva America 2 at MV Nehlsea 2, na may rutang Atimonan-Alabat sa Quezon province.

Ikinatuwiran ng mga shipping line ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa kanilang pagtataas-pasahe.

Ayon kay Emmanuel Carpio, direktor ng Maritime Industry Authority (Marina) sa Calabarzon, hindi nila kayang pigilan ang mga shipping company dahil deregulated ang pasahe sa mga barko.

"On the part of Marina, We will just acknowledge them... they will just comply [with] some requirements," ani Carpio.

Mananatili naman ang diskuwento sa pamasahe para sa mga senior citizen, estudyante at person with disability.

Noong Martes, nagpatupad ang maraming oil company ng P13.15 taas-presyo sa kada litro ng diesel at P7.10 taas-presyo sa kada litro ng gasolina. Ito na ang ika-11 sunod na linggong may oil price hike.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
pasahe
transportasyon
barko
shipping line
passenger ferry
Batangas Port
Starlite Ferries
Montenegro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT