Buntis na ginahasa umano ng mga pulis, tumangging magsampa ng kaso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buntis na ginahasa umano ng mga pulis, tumangging magsampa ng kaso

ABS-CBN News
Published Mar 16, 2018 01:51 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2020 05:08 PM PHT

MANILA- Ayaw na umanong magsampa ng kaso ng 29-anyos na buntis na ginahasa umano ng 4 na pulis sa Bulacan ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang press conference sa Meycauayan, Bulacan nitong Biyernes, binalaan ni PNP chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na huwag takutin ang nasabing biktima.

Ginahasa umano ang nasabing babae ng 4 na pulis Bulacan sa harap ng kaniyang 2-taong-gulang na anak.

WATCH: PNP reads text message of pregnant mother who was allegedly raped by cops in Meycauayan, Bulacan @ABSCBNNews pic.twitter.com/snjLbXKCVP
— Bianca Dava (@biancadava) March 16, 2018

Nitong Biyernes, nagpadala umano ang nasabing biktima ng mensahe na hinihiling na palayain na lamang ang mga pulis na nanggahasa umano sa kaniya.

"Pakawalan niyo na ang mga pulis na 'yan. May konsensya rin ang mga 'yan. Diyos na ang bahala," sabi umano ng babae.

Ipapasa-Diyos na lamang daw niya ang nangyari sa kaniya upang makaiwas sa gulo.

"Wala akong lakas ng loob. Ubos na rin ang dahilan sa kahihiyan. Anuman po ang mangyari sa amin, mom said ipapasa-Diyos ko na lang po ito. Alam naman ng Diyos ang totoo, kaysa po ganito ako po ang nahihirapan at nasasaktan," aniya.

"Ayoko na po, tama na po. Diyos na po ang bahalang gumanti sa akin kaysa naman ang dami ko nang bantang naririnig," dagdag niya.

Hinikayat naman ni Dela Rosa ang biktima na makipagtulungan sa imbestigasyon laban sa mga naakusahan na pulis.
Hinikayat naman ni Dela Rosa ang biktima na makipagtulungan sa imbestigasyon laban sa mga naakusahan na pulis.
ADVERTISEMENT
Aniya, bukas umano ang kaniyang opisina sa biktima gayundin ang PNP Internal Affairs Service.

"Nakikiusap ako sa complainant, please, let us make the proper investigation with your cooperation, I hope. Dahil kung puro lang kayo punta sa media, that will redound to demolition job," ani Bato.

"Pero kung itutuloy niyo ang laban hanggang sa korte, I am encouraging you para ma-pin down natin itong mga pulis na ito kung ito ay talagang mga loko-loko, kung gumawa ng kalokohan. But it’s too early to pre-judge," dagdag pa ni Dela Rosa.

-Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT