3 pulis na nanggahasa umano ng buntis, sibak sa puwesto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 pulis na nanggahasa umano ng buntis, sibak sa puwesto

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2018 09:04 AM PHT
|
Updated Nov 26, 2018 02:54 PM PHT

Mga pulis na hinihinalang nanggahasa umano ng isang buntis noong Marso 6, sinibak na sa puwesto | Ulat mula kay @isay_reyes pic.twitter.com/poeutgnvlk
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) March 14, 2018

MANILA - Tinanggal sa puwesto, Huwebes, ang 3 pulis na inakusahang nanggahasa sa isang buntis sa buy-bust operation sa Meycauayan, Bulacan nitong Marso 6.

Nitong Miyerkoles kinuhanan ng statement ang 29-anyos na ginang at inaasahang maisasampa ang kaso ngayong Huwebes.

Sa provincial office muna mag-uulat ang mga pulis na idinawit sa umano'y panghahalaay habang iniimbestigahan sila, sabi ni Bulacan police chief Senior Supt. Romeo Caramat.

Aniya, may ilang testigo namang makakapagsabi na noong mga oras hinalay umano ang ginang, kasama ng 3 pulis ang kanilang team leader at ilang kagawad sa pagsasagawa ng buy-bust operation at bumalik agad sila sa opisina matapos nito.

Gayunman, nangako si Caramat na titingnan ang lahat ng anggulo sa imbestigasyon.

Isasalang din aniya sa background check ang nagrereklamong ginang na itinuro bilang drug supplier ng ilang suspek na nahuli sa buy-bust.

Posible aniyang gumagawa ng ingay ang babae dahil mainit ang operasyon ng droga sa lugar.

Kinukwestyon din aniya kung bakit hindi agad nagsalita ang babae.

Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT