Ilang 'testigo,' walang direktang sagot ukol sa umano'y panggagahasa ng 4 na pulis-Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang 'testigo,' walang direktang sagot ukol sa umano'y panggagahasa ng 4 na pulis-Bulacan

Ilang 'testigo,' walang direktang sagot ukol sa umano'y panggagahasa ng 4 na pulis-Bulacan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-report sa Bulacan Police Provincial Office nitong Huwebes ang apat na pulis na idiniin sa bintang na umano'y panggagahasa sa isang ginang sa buy-bust operation sa Meycauayan, Bulacan nitong Marso 6.

Ayon kay Supt. Lorenzo Kim Cobre, hepe ng Meycauayan Philippine National Police (PNP), wala nang baril at tinanggal na sa puwesto ang apat na pulis ngunit hindi pa makuhanan ng salaysay dahil wala pa silang kinakaharap na pormal na reklamo.

Sabi ng testigong kasama ng mga pulis, katabi at kausap niya ang umano’y pasimuno ng panghahalay noong ginawa ang drug operation.

Wala ring maibigay na impormasyon ang nakatira sa bahay kung saan ginawa umano ang panggagahasa.

ADVERTISEMENT

Pinuntahan ng pulis ang lugar na sinasabing pinangyarihan ng rape.

Nandoon din ang binatilyong natunghayan umano ang rape, pero nang makausap ng mga pulis, sinabi niyang wala siyang nakitang panggagahasa.

Nakita naman niya umanong pinaghuhubad ng isang pulis ang ginang.

Naghihintay pa rin ang Women's Desk sa ginang na pormal na magsampa ng reklamo.

Hindi naman sinagot ng ginang ang tawag ng mga pulis.

Pero tiniyak ni Bulacan police chief Senior Supt. Romeo Caramat na bukas pa rin sila kung magsasampa ng reklamo ang ginang.

Magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Internal Affairs Service ng PNP.

--Ulat ni Jorge Carino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.